Julian Martir, nakiusap: "I hope na ma-stop na po yung mga post ng 'di totoo about sa'kin"

Julian Martir, nakiusap: "I hope na ma-stop na po yung mga post ng 'di totoo about sa'kin"

- May pakiusap ang kontrobersyal na estudyanteng nakwestyon 'di umano ang pagpasa sa 30 na unibersidad sa USA at sa UK

- Aniya, may mga patunay naman siya na totoong natanggap siya sa mga prestihiyosong paaralan abroad

- Ipinakita rin niya ang physical copy ng admission niya sa University of Arizona

- Nakipag-ugnayan din umano ang News5 sa mga paaralang na-apply-an ni Julian at nagkumpirma itong totoo ang pagkakatanggap nila sa estudyante

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naglabas na nag pahayag si Julian Martir sa kontroberysal na pagkakatanggap umano niya ng scholarship sa nasa 30 unibersidad sa USA at UK.

Julian Martir, nakiusap: "I hope na ma-stop na po yung mga post ng 'di totoo about sa'kin"
Julian Martir (News5 Good News Pilipinas)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na pinatotohanan ni Julian maging ng New5 ang mga application maging ang pagkakatanggap kay Julian sa ilang mga unibersidad.

Mismong si Julian ang nagpakita ng mga university admission sa kanya na nagsasabing tanggap siya sa mga unibersidad habang ang News5 ay mabusising nakipag-ugnayan sa mga unibersidad na nais pasukan ni Julian at nagkumpirma na rin ang ilang sa mga ito.

Read also

Julian Martir, nag-sorry sa viral post noong 2021 na naging mitsa umano para pagdudahan siya

Kaya naman pakiusap ni Julian na sana'y tantanan na umano siya ng bashers kahit "too good to be true" ang kanyang sitwasyon.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"I hope na ma-stop na po yung mga nag-post po ng ... hindi totoo about sa akin. Kasi yung mga scholarships po na nagbigay sa akin, totoo po talaga po 'yan. Ni-review po talaga nila 'yan na need ko po yung scholarship ko as an international student."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa News 5 Everywhere YouTube:

Matatandaang nag-viral si Julian Martir kamakailan dahil sa dami ng nakuhang scholarships sa iba't ibang paaralan sa USA at maging sa UK.

Anak si Julian ng isang soft drinks vendor at isang magsasaka. Dahil dito, inspirasyon umano niya ang kanyang mga magulang sa pag-aaral ng mabuti at pagsusumikap sa buhay.

Read also

News 5, nakumpirmang pasado nga umano sa ilang unibersidad sa USA at UK si Julian Martir

Subalit sa kabila ng tagumpay, ilan ang nagsasabing hindi totoo ang ganoong kadaming scholarship kaya't naging usap-usapan umano siya sa social media.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica