Rosmar Tan sa kanyang mga bashers: "The design is very ang bibilis magbura"

Rosmar Tan sa kanyang mga bashers: "The design is very ang bibilis magbura"

- Pinatunayan ni Rosmar Tan sa kanyang mga bashers na sa private jet nga sila sasakay pauwi sa Manila

- Matatandaang sa nauna niyang post ay may mga nagkomento at nagsabing galing lang sa Google ang kanyang post

- Sa kanyang post ay pinakita niya ang kanilang pagsakay sa private jet mula sa kanilang bakasyon

- Marami din daw sa mga naunang nagkomento na tila kinikuwestiyon kung totoo ang kanyang post ay agad na nagbura ng kanilang komento

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita ni Rosmar Tan ang mga pictures nila sakay ang private jet pabalik ng Manila mula sa kanilang bakasyon. Matatandaang sa nauna niyang post ay may mga nagkomento at nagsabing galing lang sa Google ang kanyang post.

Rosmar Tan sa kanyang mga bashers: "The design is very ang bibilis magbura"
Rosmar Tan sa kanyang mga bashers: "The design is very ang bibilis magbura" (@rosmartan)
Source: Facebook

Kaya naman sa kanyang mga bagong post ay pinamukha niya sa mga bashers na totoo ang kanyang sinasabi. Binahagi niya pa sa kanyang post ang mga screenshot ng ilan sa mga komento.

Read also

Rendon Labador, sinita ang 'Ka-Wonder' Family vlog sa content nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami din daw sa mga naunang nagkomento na tila kinikuwestiyon kung totoo ang kanyang post ay agad na nagbura ng kanilang komento.

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.

Matatandaang naging emosyonal ang vlogger na si Rosemar kaugnay sa video kung saan pinagtatawanan umano ang dati niyang itsura. Inalmahan niya ang umano'y pang-bu-bully sa kanya ng ilang sikat na influencer sa TikTok. Mayroon din umanong screenshot ng conversation ng mga ito ng kanilang pang-bu-bully kay Rosmar. Tila naman humingi na ito ng saklolo sa tinaguriang sumbungan ng bayan, ang "Raffy Tulfo in Action" na kanyang binanggit sa kanyang post.

Read also

OFW na apat na taong di nakauwi, emosyonal na sinurpresa ang mga magulang

Sinabi ni Rosmar na hindi talaga siya nagparetoke dahil natatakot umano siya. Nagpaturok lang umano siya para masubukan yung enhancement para magkaroon siya ng ilong na kagaya sa mga artista. Sa naturang video ay ginalaw pa niya ang kanyang ilong bilang patunay na hindi umano siya nagparetoke. Dagdag pa niya, alam umano niya na isang taon lang ang bisa ng kanyang pagpapaturok at bumalik na sa dati ang kanyang ilong.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel