Xander Arizala, muling bumwelta kay Merck: "Kung hindi mo kayang ibigay, sabihin mo"

Xander Arizala, muling bumwelta kay Merck: "Kung hindi mo kayang ibigay, sabihin mo"

- Muling nagsalita si Xander Arizala laban kay Christian Merck Grey kaugnay sa umano'y pinangako nito kay Xander na sasagutin niya ang binyag ng anak niya

- Ani Xander, kaya lang niya kinuha si Merck bilang isa sa mga ninong ay dahil sinabi raw nito na sasagutin ang binyag ng anak

- Muli niyang iginiit na nagsabi si Merck na bibigyan siya nito ng P349K na nauna na ring pinabulaanan ni Merck

- Matatandaang nabanggit ni Merck na pabiro niyang sinabi ang tungkol dito at nilinaw niyang hindi siya nangakong sasagutin niya ang binyag ng anak ni Xander

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Bumweltang muli si Xander Arizala kaugnay sa sagutan nila ni Christian Merck Grey. Aniya, wala siyang pakialam sa screenshot na sinasabi ni Merck. Kaya lang daw naman niya kinuhang ninong si Merck dahil sinabi nitong sasagutin niya ang binyag ng anak niya.

Read also

China Roces: "Sana yung mga hindi nagsusustentong tatay ay magsustento"

Xander Arizala, muling bumwelta kay Merck: "Kung hindi mo kayang ibigay, sabihin mo"
Xander Arizala, muling bumwelta kay Merck: "Kung hindi mo kayang ibigay, sabihin mo" (Xan Der Arizala)
Source: Facebook

Iginiit niyang nagbibigay naman daw talaga ang ninong sa inaanak nito. Muli niyang iginiit na nagsabi si Merck na bibigyan siya nito ng P349K na nauna na ring pinabulaanan ni Merck.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kaya kita kinuhang ninong kasi sinabi mo sa akin na sasagutin mo yung binyag ng anak ko. Di ba, natatandaan mo yun? Tapos ikaw pa nagsabi sa akin na bibigyan mo ako ng 345 thousand na pera.

Matatandaang nabanggit ni Merck na pabiro niyang sinabi ang tungkol dito at nilinaw niyang hindi siya nangakong sasagutin niya ang binyag ng anak ni Xander.

Nakilala din si Marlou Arizala bilang si Xander Ford sa social media. Pinalitan ang kanyang pangalan matapos ang kanyang kontrobersiyal na make over. Gayunpaman, matapos ang mga kontrobersiyang kanyang kinasangkutan ay tuluyan na siyang binitawan ng management na tumulong sa kanyang make-over.

Read also

Maricel Soriano, ayaw pa-stress sa mga baguhang may attitude: "Hindi ko naman kayo kilala"

Kamakailan ay naglabas ng saloobin si Xander sa kanyang Instagram stories. Kaugnay ito sa aniya'y mga taong kanyang inimbitahan sa binyag ng kanyang anak. Hindi daw sila sumipot sa binyag at ikinadismaya ni Xander at kahit presensiya lang daw sana ng mga taong ito para sa kanyang anak ay ayos na sa kanya. Hindi naman na binanggit ni Xander kung sino ang kanyang tinutukoy na mga tao.

Matatandaang pinangalanan ni Xander si Merck bilang yung taong kanyang tinutukoy sa kanyang post. Aniya, pinangakuan umano siya nito kaya pinapabayaran niya ang P349K na umano ay pinangako nito sa kanya. Dagdag pa niya, kung alam nila ay hindi na muna sana daw sila nagpabinyag. Humingi din siya ng tulong sa kanyang mga kaibigan na aniya ay makuha ang pinaglalaban niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel