Php1 million money bouquet, regalo ng mister sa kanyang misis noong mother's day
- Nag-viral ang video ng isang mister na isang milyong piso ang regalo sa kanyang misis noong Mother's day
- Dalawang linggo bago ang mother's day, pinapili na niya ang kanyang misis kung ano ang nais nitong regalo
- Trip to Maldives ang hindi napili ng misis, at ang isang opsyon nga ay ang isang milyong piso
- Tinupad nga ito ng mister at masayang inabot ang money bouquet sa espesyal na araw ng mga ina
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Agaw-eksena sa social media ang money bouquet ni Macky Villena na isang milyong piso para sa misis niyang si Roviedelia Soriano-Villena.
Nalaman ng KAMI na marami ang napa-sana all sa naturang regalo na hindi pangkaraniwang binibigay ng mister sa kanilang asawa sa anumang okasyon.
Sa ulat ng ABS-CBN, pinapili na umano ni Macky si Roviedelia kung ano ang nais nitong regalo.
Sa pamamagitan ng pagpili sa dalawang papel na parehong surpresa ang laman, hindi alam ni Roviedelia na isang milyong piso na pala ang napili niya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Samantala, ang isang opsyon ay ang trip to Maldives na hindi napili ng misis.
Sa video na ibinahagi ni Macky, makikita ang reaksyon ni Roviedelia na labis na nasurpresa sa regalong natanggap.
Inabot ng apat na araw bago mabuo ang magarbong money bouquet na hiling ding matanggap ng mga misis na nakapanood ng kanilang video.
Kamakailan, ay naiulat din ng KAMI ang isang anak na OFW na pinadalhan din ng money bouquet ang kanyang ama na noo'y nagdiriwang ng ika-60 na kaarawan nito.
At dahil 60 na ito, ₱60,000 ang perang nasa bouquet na labis namang ikinatuwa at ipinagpasalamat ng ama sa anak.
Samantala, isang overseas Filipino worker na anak ang sumurpresa sa kanyang ina ng isang bonggang money bouquet.
Napa-sana all din ang mga netizens nang makita ang post ng Gifts4everyJUAN kung saan, isang bouquet ng pera na nagkakahalaga ng ₱400,000 na maayos na nakatupi upang maging disenyong bulaklak
Bukod sa limpak-limpak na salapi, ilang piraso ng malalaking tipak ng chocolates ang kasama ng bouquet.
Kwento pa ng Gifts4everyJUAN kung saan ipinagawa ang bouquet, isang taong pinag-ipunan daw ito ng anak na nais talagang masurpresa ang pinakamamahal na ina.
Kapansin-pansin talaga ang bouquet na mas mataas pa sa mga magde-deliver nito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh