Mga magulang ng Maguad siblings, patuloy ang paghahanap ng hustisya
- Patuloy ang paghahanap ng hustisya ng mga magulang ng magkapatid na Maguad matapos ang manifestation ng CSWD Kidapawan at decision ng court
- Ayon sa ina ng magkapatid, masakit sa kanya na inirekomenda na palawigin ang suspended sentence sa suspek at antaying maging 19 anyos ito
- Kinukuwestiyon niya kung bakit umano na-enrol ang suspek sa isang public school modular
- Aniya, grabe ang psychological at emotional struggles nilang mag-asawa habang patuloy nilang hinahangad ang hustisya sa pagpaslang sa dalawang anak
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naglabas ng sama ng loob si Lovella Maguad, ina ng Maguad siblings na napaslang sa mismong loob ng bahay nila. Kinukuwestiyon niya kung bakit umano na-enrol pa ang suspek sa isang public school modular.
Sino po ba dapat ang maka avail ng alternative delivery mode di ba mga marginalized students? Bakit DEPED kasali o ma consider ba na marginalized student ang kriminal at may pending sentence na sa court?
Aniya, grabe ang psychological at emotional struggles nilang mag-asawa habang patuloy nilang hinahangad ang hustisya sa pagpaslang sa dalawang anak.
Masakit sobrang sakit ang manifestation letter ng CSWD Kidapawan at decision ng court. The CSWD recommended for the extension of his suspended sentence until he reaches 19 was approved by the court
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ang kaso ng pagpaslang sa magkapatid na Maguad ay lumikha ng malaking ingay lalo at naganap ang pagpaslang sa magkapatid sa mismong bahay nila. Ang lalong naging kahindik-hindik ay nang mapag-alamang mismong ang dalagang kanilang kinupkop at itinuring na kapamilya ang isa sa mga salarin sa pagpaslang.
Samantala, ibinahagi ng ina ng magkapatid ang kanyang hinanakit nang makaharap nila ang mga salarin sa pagpaslang sa kanilang dalawang anak, wala umano silang magawa. Sa kanilang mga social media account, ay madalas na inihahayag ng mag-asawa ang kanilang saloobin sa gitna ng kanilang pighati at pagnanais na mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng dalawang mga anak nitong mga nakaraang buwan.
Matatandaang umamin ang mismong dalaga sa kanyang ginawa ilang araw matapos ang pamamaslang sa magkapatid. Hindi naman maitago ng mag-asawang Maguad ang kanilang paghihinagpis matapos ibaba ang hatol sa dalawang akusado sa pagpaslang sa kanilang dalawang anak.
Source: KAMI.com.gh