Japan Home Centre, tumanggap ng sibuyas bilang bayad ng customers

Japan Home Centre, tumanggap ng sibuyas bilang bayad ng customers

- Tumatanggap ng sibuyas bilang kabayaran ang Japan Home Centre sa mga mamimili ngayong February 4

- Sa kanilang Facebook page, inanunsyo nila kung paano ito mangyayari at isasagawa

- Subalit ito ay maari lamang gawin sa Panay Avenue branch nito sa 84 Panay Avenue

- Gayunpaman, marami rin sa kanilang mga tagatangkilik ang nagdala nga sibuyas at siyang ibinayad sa kanilang pinamili

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinagiliwan ng marami ang isang brance ng Japan Home Centre dahil tumanggap ito ng sibuyas bilang bayad sa bibilhin ng kanilang customers.

Japan Home Centre, tumatanggap ng sibuyas bilang bayad ng customers
Japan Home Centre
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa Facebook page ng naturang store ay inanunsyo nito na ngayong February 4, tatanggap sila ng sibuyas bilang bayad ng mga customers ng kanilang branch sa 84 Panay Avenue, Quezon City malapit sa Victoria Towers.

Read also

Isko Moreno, tinuldukan na umano ang pagpasok sa pulitika: "Retired na ako"

"We are accepting cash, coins, and ONIONS as payment for our selected items! 1 onion = 1 JHC item"

Ang kagandahan ng kanilang proyekto, ibabahagi din nila bilang tulong ang malilikom na sibuyas mula sa araw na ito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Japan Home Centre - Panay Avenue will accept an onion in exchange for your chosen product. Every customer has a limit of 3 item purchases only. All collected onions will be used in our community pantry."

Samantala, nakunan naman ng News5 ang ilang kaganapan sa naturang branch ng Japan Homes Centre sa Panay Avenue, at marami naman ang tumangkiling sa pakulong ito.

Hindi lamang mga ordinaryong mamamayan ang nagulat at umalma sa taas ng presyo ng sibuyas na kalauna'y tinawag nang ginto sa mahal nito.

Maging ang showbiz personality gaya ni Ogie Diaz ay namangha sa presyo ng sibuyas na umabot noon sa Php600 ang isang kilo.

Read also

Heart Evangelista, masaya sa pagiging supportive sa kanya ni Chiz Escudero

Naihambing niya ito sa presyo ng isang kilo ng sibuyas sa Singapore na halagang may katumbas na Php70 lamang.

Gayundin ang presyo ng sardinas na umano'y nag-level up na rin ayon kay Ogie. Aniya, pangmayaman na ang halaga nito taliwas sa kadalasang namimili nito.

Maging ang aktres na si Judy Ann Santos ay nagbirong naiyak sa presyo ng sibuyas.

Matapos ang sibuyas, ramdam din ng marami ang pagmahal ng presyo ng itlog na pangunahing sangkap din ng karaniwang niluluto ng pamilyang Pilipino. Dahil dito, madalas na maging biruan sa mga cooking videos na huwag na munang gumamit ng sibuyas o itlog sa ibang mga lutuin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica