Liham ng magulang sa teacher tungkol sa pagliban ng anak, nagpaluha sa maraming netizens
- Umantig sa puso ng mga netizens ang ang liham ng isang magulang sa teacher na kanyang anak
- Excuse letter umano ng bata na hindi nakakapasok sa paaralan
- Dala umano ng kahirapan, tila nagsanga-sanga na ang mga problema ng magulang sa pagpapapasok ng kanyang anak sa eskwela
- Agosto 22 nang magbukas ang panuruang taong 2022-2023 habang nitong lamang Nobyembre 2, nagsimula na ang in-person classes sa mas maraming paaralan
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Tila maraming netizens ang napaluha sa post ni Teacher Em sa Twitter kung saan ibinahagi niya ang excuse letter ng isang magulang na madalas lumiban sa klase ang anak.
Nalaman ng KAMI na tila nagpatong-patong na ang problema ng pamilya. Mula sa unipormeng ginagamit ng estudyante hanggang sa pagbabalik nila ng kalsada gayung hindi na nakakabayad ng upa ang ina.
"Wala na po silang masuot na damit at isa lang po ang uniform niya at nawarak pa po ang pantalon. Hindi ko po maasikaso ang mga damit namin maglaba dahil lagi po kami nauubusan ng tubig sa drum," sulat ng magulang.
Ayon kay Teacher Em, bumalik lang sa klase ang bata nang sila at magkakaroon na ng examinations. Doon, dala niya ang liham na dumurog sa puso ng teacher. Magkahalong pag-aalala at awa ang umano'y naramdaman niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Narito ang kabuuan ng burado nang post ngunit naibahagi pa ng IBC Tutok 13:
Noong Agosto 22 ng kasalukuyang taon, nagbukas muli ang mga paaralan sa kauna-unahang nationwide in-person classes sa mga pampublikong paaralan makalipas ang dalawang taon.
Matatandaang ilang mga eskwelahan na nasa ilalim ng alert level 1 ang nagsimula nang magbalik paaralan sa pagtatapos ng panuruang taon 2021-2022. At dahil sa naging matagumpay ang pagsasagawa ng face to face classes, pinahintulutan nang magbalik paaralan muli ang mga estudyante.
Katunayan, ilang mga lungsod na ang nagpatupad ng in-person classes. Habang ang iba naman ay naka-online classes parin at minsan sa isang linggo ay pinapapasok din ng paaralan para mas mapaliwanagan ng teacher at makasalamuha rin ang kanilang mga kamag-aral.
Sa pagbabalik eskwelahan nga ng mga bata, kanya-kanyang gimik din ang mga teachers para lamang masigurong masaya ang pagbabalik eskwela ng mga bata. Isa na rito ang kakaibang paraan ng pag-aattendance kung saan sa halip na 'present' ang sasabihin, 'Darna' sinasabi ng bata para malaman ng teacher na naroon siya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh