Mga katrabaho ni Jovert Valdestamon, nanindigang kasama nila ito noong August 5
- Mismong ang katiwala at foreman ng ginagawang gusali sa bahagi ng Bgry. Bancao-Bancao, Puerto Princesa ang nanindigang kasama nila si Jovert Valdestamon noong August 5, 2022
- Taliwas ito sa pahayag ng pinsan niyang si Leobert Dasmariñas na magkasama sila sa panghahalay at pagpaslang kay Jovelyn Galleno noong August 5 ng gabi
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
- Sa panayam ng Super Radyo kay Cabangon, sinabi nito na kinabukasan pa nang hapon nakauwi si Jovert dahil hinintay pa umano nito ang kanyang sahod
- Maging ang ibang kasamahan ni Jovert ay nagbigay ng sinumpaang salaysay sa kapulisan
Sa panayam ng Super Radyo DYSP 909Khz Palawan sa katiwala at foreman ng ginagawang gusali na si G. Jeric Cabangon, pinanindigan nito na kasama nila si Jovert Valdestamon noong August 5, 2022. Taliwas ito sa pahayag ni Leobert Dasmariñas na kasama niya si Jovert noong gabing nawala si Jovelyn Galleno.
Sinabi din nito na kinabukasan pa nang hapon nakauwi si Jovert dahil hinintay pa umano nito ang kanyang sahod. Maging ang ibang kasamahan niya ay nagbigay na ng sinumpaang salaysay sa mga otoridad.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sinabi din ng mga katarabaho ni Jovert na maayos itong katrabaho at hindi umano nila kukonsentihin si Jovert kung nakagawa man ito ng mali.
Base sa naunang post ng Radyo Bandera Philippines, may isang business establishment na matatagpuan sa Brgy. Tagburos ang nagbigay ng karagdagang CCTV footage na magpapatunay na nakasakay sa multicab ang dalaga.
Nauna nang naiulat ng Palawan Star na taliwas sa naunang impormasyon na Sedan ang sinakyan ni Jovelyn, multicab umano ang sinakyan nito base na rin sa isang CCTV footage.
Ang 22-anyos na si Jovelyn Galleno ay isang working student na nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan. Gumulantang sa mga tao ang kanyang pagkawala noong August 5, 2022. Ayon sa pahayag ng kanyang pamilya at maging ng kanyang manager, 6:30 p.m. ay nakapag-out na siya sa kanyang trabaho at nakapag-chat pa ito sa kanyang kapatid ngunit hindi na ito nakauwi.
Iginiit ng pinsang buo ni Jovelyn na hindi niya ginalaw ang kanyang pinsan ngunit naging kasabwat siya sa pagdukot sa dalaga. Ikinuwento niya kung paano nila inabangan si Jovelyn nang bumaba umano ito sa sinakyang multicab. Idinitalye niya ang umano'y ginawa ng kasamahan niya sa kanyang pinsan matapos nila itong dalhin sa lugar kung saan ito pinagsamantalahan. Matatandaang si Leobert Dasmariñas ang nagturo sa PNP kung saang lugar nila inabandona ang bangkay ni Jovelyn.
Nang sumunod na araw ay umamin ang pinsang buo ni Jovelyn kaugnay sa panghahalay sa dalaga. Matatandaang sa kanyang naunang sinabi, lookout lamang umano siya at hindi niya ginalaw ang kanyang pinsan. Gayunpaman sa isang bagong panayam na inilabas ng Bandera News TV Philippines, nag-iba ito ng pahayag. Aniya, pagkatapos halayin ng pinsan si Jovert Valdestamon ay siya ang sumunod ngunit aniya ay hindi na gumagalaw ang dalaga.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh