Pulis na professor ni Jovelyn Galleno, tumangging makausap ng RTIA
- Naibahagi ni Jonalyn Galleno ang tungkol sa bagong impormasyon na nalaman nila mula sa kaibigan ni Jovelyn Galleno
- Kaugnay ito sa umano'y police na professor ni Jovelyn na umano'y nagkagusto sa dalaga
- May message pa umano ito kay Jovelyn sa kanyang Facebook messenger isang araw matapos mawala si Jovelyn
- Kasalukuyang nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigatin (NBI) kaugnay sa kaso ng pagkawala ng 22 anyos na working student
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Sa panibagong pahayag ni Jonalyn Galleno nang makapanayam siya ng Raffy Tulfo in Action, naibahagi niya ang tungkol sa umano'y police na professor ni Jovelyn na umano'y nagkagusto sa dalaga. Sinabi nito na 2nd year college pa lang ate niya ay gusto niya na si Jovelyn ngunit ayaw sa kanya ng dalaga.
Malimit din umano itong mag-comment sa mga post ni Jovelyn sa social media. Naibahagi din ni Jonalyn ang tungkol sa nangyari nang nasa firing sila kung saan makikita umanong sinabihan ng ilan sa mga pulis na maganda pala si Jovelyn nang pinatanggal ang kanyang face mask.
Hindi naman nakausap ng RTIA ang naturang professor dahil nasa seminar umano ito.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang 22-anyos na si Jovelyn Galleno ay isang working student na nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan. Gumulantang sa mga tao ang kanyang pagkawala noong August 5, 2022. Ayon sa pahayag ng kanyang pamilya at maging ng kanyang manager, 6:30 p.m. ay nakapag-out na siya sa kanyang trabaho at nakapag-chat pa ito sa kanyang kapatid ngunit hindi na ito nakauwi.
Iginiit ng pinsang buo ni Jovelyn na hindi niya ginalaw ang kanyang pinsan ngunit naging kasabwat siya sa pagdukot sa dalaga. Ikinuwento niya kung paano nila inabangan si Jovelyn nang bumaba umano ito sa sinakyang multicab. Idinitalye niya ang umano'y ginawa ng kasamahan niya sa kanyang pinsan matapos nila itong dalhin sa lugar kung saan ito pinagsamantalahan. Matatandaang si Leobert Dasmariñas ang nagturo sa PNP kung saang lugar nila inabandona ang bangkay ni Jovelyn.
Nang sumunod na araw ay umamin ang pinsang buo ni Jovelyn kaugnay sa panghahalay sa dalaga. Matatandaang sa kanyang naunang sinabi, lookout lamang umano siya at hindi niya ginalaw ang kanyang pinsan. Gayunpaman sa isang bagong panayam na inilabas ng Bandera News TV Philippines, nag-iba ito ng pahayag. Aniya, pagkatapos halayin ng pinsan si Jovert Valdestamon ay siya ang sumunod ngunit aniya ay hindi na gumagalaw ang dalaga.
Source: KAMI.com.gh