87-anyos na lolang vendor at nakikitulog lang sa nakaparadang jeep, natulungan ng Eat Bulaga

87-anyos na lolang vendor at nakikitulog lang sa nakaparadang jeep, natulungan ng Eat Bulaga

- Natulungan ng Eat Bulaga ang isang 87-anyos na lola na naglalako ng pinya sa kalsada

- Nalaman nilang wala pala itong tinutuluyan at nakikitulog lang sa mga pumaparadang jeep

- Kasama man ang kanyang isang anak, pareho umano silang hikahos sa buhay

- Dahil dito, binigyan ng Eat Bulaga ang lola ng pamasahe at pasobrang pera para makapagsimula umano ito ng maaring pangkabuhayan sa Nueva Ecija

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabigyang tulong ng Eat Bulaga ang 87-anyos na lola na naglalako ng pinya sa kalsada.

87-anyos na lolang naglalako at nakikitulog lang sa nakaparadang jeep, natulungan ng Eat Bulaga
Sina Wally Bayola at Jose Manalo kasama ang mag-inang kanilang natulungan (Eat Bulaga YouTube channel)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ang tandem na 'Jowa' ng Eat Bulaga na sina Jose Manalo at Wally Bayola ang siyang naging daan upang mabigyang pansin ang hinaing ng matanda.

Bagaman at kasama kasi nito ang isang anak na pawang biyuda na rin, makikitang pareho silang hirap sa buhay.

Read also

15-anyos na dalagita, nakaipon ng Php4 million at may sarili nang bahay dahil sa Mobile Legends

Naglalako sila ng pinya sa gilid ng kalsada at hindi nila kayang makahanap ng matitirahan buhat nang mag-pandemya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon pa kay Jose, nalaman niyang nakikitulog lamang sa pumaparadang jeep ang mag-ina at doon na nagpapalipas ng gabi.

Nang kanilang tanungin ang lola, nais na nitong umuwi sa kanilang probinsya sa Nueva Ecija na tila tutol naman ang kasama nitong anak.

Subalit mayroon pa naman itong isa pang anak na maaring mag-intindi sa kanya kaya naman binigyan na nina Wally at Jose ang lola ng pamasahe nito at pasobrang pera upang may pangkabuhayan pa ito.

Hindi napigilang maging emosyonal ng lola dahil makatitikim na raw siya ng ginhawa bago manlang siya umano mamaalam sa mundo.

Narito ang kabuuan ng kanilang panayam mula sa Eat Bulaga:

Ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest running noontime show sa bansa. 1979 pa nang una itong maisa-ere sa RPN 9 kung saan orihinal na host nito ang TVJ o ang "Tito, Vic and Joey." Sa ngayon patuloy pa rin ang pamamayagpag nila sa ere tuwing tanghali kasama ng ilang mga bago nilang Dabarkads na sina Maja Salvador at Miles Ocampo.

Read also

Ina ni Jovelyn Galleno, malakas umano ang kutob na buhay pa ang kanyang anak

Mula taong 1995, GMA na ang naging tahanan ng Eat Bulaga hanggang sa kasalukuyan. Isa sa pinakaaabangang portion ng noontime show ay ang 'Bawal Judgmental' kung saan iba't ibang kwento ng kanilang mga panauhin ang naibabahagi at nagiging inspirasyon sa marami.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica