Alahas ni Jovelyn Galleno, nahukay malapit sa bahay ng suspek

Alahas ni Jovelyn Galleno, nahukay malapit sa bahay ng suspek

- Kasama ang mga otoridad, tumungo ang suspek na si Leobert Dasmariñas sa Purok Pulang Lupa, Barangay Sta. Lourdes

- Dito ay itinuro ni Leobert sa tabi ng punong saging inilibing ang hinahanap na alahas ni Jovelyn Galleno

- Kinumpirma ng pamilyang Galleno na ang alahas ay kay Jovelyn ayon kay kagawad Angelito Reyes ng Sta. Lourdes

- Ayon sa ina ni Jovelyn, ang mga alahas na ito ay ang kanyang regalo sa anak noong bata pa ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Itinuro ng suspek at pinsang buo ni Jovelyn Galleno na si Leobert Dasmariñas ang lugar kung saan umano niya inilibing ang kwintas at bracelet ni Jovelyn. Ayon sa ina ni Jovelyn, ang mga alahas na ito ay ang kanyang regalo sa anak noong bata pa ito.

Alahas ni Jovelyn Galleno, nahukay malapit sa bahay ng suspek
Alahas ni Jovelyn Galleno, nahukay malapit sa bahay ng suspek (Radyo Bandera Philippines)
Source: Facebook

Kasama ang mga otoridad, tumungo ang suspek na si Leobert Dasmariñas sa Purok Pulang Lupa, Barangay Sta. Lourdes kung saan itinuro niya sa tabi ng punong saging inilibing ang hinahanap na alahas ni Jovelyn. Ito ay nasa bakuran lamang malapit sa kanilang bahay.

Read also

Jovert Valdestamon, handa raw patunayang hindi totoo ang alegasyon sa kanya

Base sa isang post ng Radyo Bandera Philippines, ang naturang business establishment ay matatagpuan sa Brgy. Tagburos. Wala pang opisyal na pahayag ang PNP kaugnay dito at wala pa ring kumpirmasyon mula sa pamilya ni Jovelyn kung siya ba ang nahagip sa CCTV footage na nakasakay sa multicab.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nauna nang naiulat ng Palawan Star na taliwas sa naunang impormasyon na Sedan ang sinakyan ni Jovelyn, multicab umano ang sinakyan nito base na rin sa isang CCTV footage.

Ang 22-anyos na si Jovelyn Galleno ay isang working student na nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan. Gumulantang sa mga tao ang kanyang pagkawala noong August 5, 2022. Ayon sa pahayag ng kanyang pamilya at maging ng kanyang manager, 6:30 p.m. ay nakapag-out na siya sa kanyang trabaho at nakapag-chat pa ito sa kanyang kapatid ngunit hindi na ito nakauwi.

Read also

Jonalyn Galleno, sinabing umamin sa kanya ang pinsan na hindi kay Jovelyn ang kalansay

Iginiit ng pinsang buo ni Jovelyn na hindi niya ginalaw ang kanyang pinsan ngunit naging kasabwat siya sa pagdukot sa dalaga. Ikinuwento niya kung paano nila inabangan si Jovelyn nang bumaba umano ito sa sinakyang multicab. Idinitalye niya ang umano'y ginawa ng kasamahan niya sa kanyang pinsan matapos nila itong dalhin sa lugar kung saan ito pinagsamantalahan. Matatandaang si Leobert Dasmariñas ang nagturo sa PNP kung saang lugar nila inabandona ang bangkay ni Jovelyn.

Nang sumunod na araw ay umamin ang pinsang buo ni Jovelyn kaugnay sa panghahalay sa dalaga. Matatandaang sa kanyang naunang sinabi, lookout lamang umano siya at hindi niya ginalaw ang kanyang pinsan. Gayunpaman sa isang bagong panayam na inilabas ng Bandera News TV Philippines, nag-iba ito ng pahayag. Aniya, pagkatapos halayin ng pinsan si Jovert Valdestamon ay siya ang sumunod ngunit aniya ay hindi na gumagalaw ang dalaga.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate