Dr. Raquel Fortun sa nakitang kalansay na hinihinalang si Jovelyn Galleno: "Possible yan"
- Nagbigay ng kanyang pananaw ang forensic pathologist na si Dr. Raquel Barros del Rosario-Fortun kaugnay sa natagpuang kalansay na pinaniniwalaang si Jovelyn Galleno
- Aniya, posible umanong maging kalansay ang kalatawan ng isang taong pumanaw sa loob ng 18 araw
- Ito ay kung isaalang-alang ang ilang mga elemento kagaya ng ulan at init ng panahon maging ang kinalagyan o lugar kung saan natagpuan ang kalansay
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
- Sa panayam ng Super Radyo, binahagi niya rin ang kanyang opinyon kaugnay sa isinagawang proseso sa pagrekober sa natagpuang kalansay
Ayon sa respetadong forensic pathologist sa bansa na si Dr. Raquel Barros del Rosario-Fortun, may posibilidad umano na maging buto kaagad o kalansay ang katawan ng tao sa loob lamang ng labing walong araw. Sa panayam ng Super Radyo kay Dr. Fortun, binahagi niya rin ang kanyang opinyon kaugnay sa isinagawang proseso sa pagrekober sa natagpuang kalansay.
Ito ay kung isaalang-alang ang ilang mga salik kagaya ng ulan at init ng panahon maging ang kinalagyan o lugar kung saan natagpuan ang kalansay. Ikinokonsidera rin nito na nasa ibabaw ng lupa ang kalansay na posible ring kinain o ikalat ng mga aso o hayop.
"Pero yung isa kong komento doon sa proseso na nakita sa pictures kung paano kinuha. Like halimbawa, apparently yung crime scene ay naka confined lang doon sa katawan. I'm not too sure kung doon lang nakita yung mga buto tapos beyond the case nandun na yung mga tao. Pagka ganyan yan, malawak yung crime scene kasi hahanapin lalo na kung kinalat yong buto. You're going to do a very meticulous search for remains and other evidence,"
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ang 22-anyos na si Jovelyn Galleno ay isang working student na nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan. Gumulantang sa mga tao ang kanyang pagkawala noong August 5, 2022. Ayon sa pahayag ng kanyang pamilya at maging ng kanyang manager, 6:30 p.m. ay nakapag-out na siya sa kanyang trabaho at nakapag-chat pa ito sa kanyang kapatid ngunit hindi na ito nakauwi.
Iginiit ng pinsang buo ni Jovelyn na hindi niya ginalaw ang kanyang pinsan ngunit naging kasabwat siya sa pagdukot sa dalaga. Ikinuwento niya kung paano nila inabangan si Jovelyn nang bumaba umano ito sa sinakyang multicab. Idinitalye niya ang umano'y ginawa ng kasamahan niya sa kanyang pinsan matapos nila itong dalhin sa lugar kung saan ito pinagsamantalahan. Matatandaang si Leobert Dasmariñas ang nagturo sa PNP kung saang lugar nila inabandona ang bangkay ni Jovelyn.
Nang sumunod na araw ay umamin ang pinsang buo ni Jovelyn kaugnay sa panghahalay sa dalaga. Matatandaang sa kanyang naunang sinabi, lookout lamang umano siya at hindi niya ginalaw ang kanyang pinsan. Gayunpaman sa isang bagong panayam na inilabas ng Bandera News TV Philippines, nag-iba ito ng pahayag. Aniya, pagkatapos halayin ng pinsang si Jovert Valdestamon ay siya ang sumunod ngunit aniya ay hindi na gumagalaw ang dalaga.
Source: KAMI.com.gh