Kelsey Furigay, naglabas ng ebidensya; "Please share it and fight with me"

Kelsey Furigay, naglabas ng ebidensya; "Please share it and fight with me"

- Naglabas ng ilang dokumento si Kelsey Furigay na nagpapatunay umano na walang katotohanan ang alegasyon sa kanyang mga magulang

- Ang tinutukoy na alegasyon ay may kaugnayan umano sa iligal na droga ayon kay Chao Tiao Yumol, ang suspek sa pamamaslang sa kanyang ina

- Nanawagan pa umano siyang ipakalat ang naturang kopya ng mga dokumento at ipakalat ang pawang katotohanan lamang

- Isang linggo na ang nakalilipas buhat nang maganap ang karumal-dumal na pamamaril kay Ex-Lamitan Mayor Rose Furigay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naglabas na ng opisyal na pahayag ang anak ni Ex-Lamitan Mayor Rose Furigay na si Kelsey Furigay kaugnay sa malagim na sinapit ng ina.

na kasama sa kanyang pahayag ang ilang dokumento na nagpapatunay na wala umanong kaugnayan ang kanyang pamilya sa iligal na droga na siyang alegasyon ng gunman na si Chao Tiao Yumol na siyang namaril umano sa kanyang ina

Read also

Kelsey Furigay, pinabulaanang sila umano ang nasa likod ng pagpaslang sa ama ni Yumol

Nalaman ng KAMI na kasama sa kanyang pahayag ang ilang dokumento na nagpapatunay na wala umanong kaugnayan ang kanyang pamilya sa iligal na droga na siyang alegasyon ng gunman na si Chao Tiao Yumol na siyang namaril umano sa kanyang ina.

Kelsey Furigay, naglabas ng ebisdensya; "Please share it and fight with me"
Sina dating Lamitan Mayor Rose Furigay at anak na si Kelsey Furigay (@kelseyrmf)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram post, nakiusap si Kelsey na ipakalat ang kanyang post na nagpapakita ng ilang sertipikasyon na klaro ang pangalan ng kanyang mga magulang na noo'y mayor at vice mayor ng Lamitan, Basilan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Please help me & my family fight for my mom. Please share this everywhere," pakiusap ni Kelsey.

Nabanggit din umano niya na nagawa ni Yumol ang umano'y pamamaril, isang araw bago ang hearing sa korte sa nasa 60+ na kaso ng cyberlibel laban sa kanya.

Isa rin sa binigyang diin ni Kelsey ay ang pagpapabulaan din nila sa alegasyon ng ilan na may kinalaman sila sa pamamaslang naman sa ama ni Chao Tiao na si Rolando Yumol, ilang araw matapos na sadyain ng suspek si Ex-Lamitan Mayor sa Ateneo.

Read also

Vanessa Raval, pinangalanan na sa wakas ang tinutukoy na rapper sa kanyang post

"I will show you the facts, the documents, the TRUTH... Please share it and fight with me," dagdag pa niya.

Narito ang kabuuan ng kanyang mga post:

Hulyo 24 nang gumulantang sa publiko ang lantarang pamamaril ng doktor na si Chao Tiao Yumol sa dating alkalde ng Lamitan, Basilan na si Rosita 'Rose' Furigay.

Agad na naaresto ng Quezon City Police District ang suspek sa naganap na shoot-out noong Hulyo 24 sa Ateneo De Manila University sa Quezon City.

Samantala, ilang araw matapos ang krimen, pinagbabaril naman ang ama ng suspek sa Ateneo shoot-out. Dahil dito, nanawagan ang ina ng suspek na si Muykim Yumol na sila'y bigyang proteksyon din umano sa mga bantang kanilang natatanggap. Sa takot, nakasuot na rin siya ng bulletproof vest.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel