Driver ng nasawing ex-Lamitan mayor Rose Furigay sa Ateneo shoot-out, aminadong 'di makatulog
- Naidetalye ng driver ng nasawing ex-Lamitan mayor Rose Furigay ang mga naganap sa araw nang mangyari ang shoot-out sa loob ng Ateneo de Manila University
- Inakala pa umano niyang 'welcome' shot lamang ang putok na nanrinig sa nangyayari na palang shoot-out
- Aminado rin itong hindi makatulog at halos walang ganang kumain dahil sa mga nangyari
- Pitong taon din itong naging driver ng mga Furigay tuwing narito sila sa Maynila
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Aminadong hindi nakakatulog at walang ganang kumain ang driver na siyang naghatid kina ex-Lamitan Mayor Rose Furigay at anak nitong si Hannah sa Ateneo de Manila University noong Hulyo 24.
Nalaman ng KAMI na isa ito sa mga naging saksi sa nangyaring shoot-out sa kanyang mga amo sa loob mismo ng nasabing paaralan.
Kwento ng 57-anyos na driver ng mga Furigay hindi niya akalain, puntirya na pala ang kanyang mga amo sa narinig na putukan.
"Ang akala ko welcome lang yung putok sa kanila," pahayag mismo ng tsuper sa panayam sa kanya ni Anjo Bagaoisan ng ABS-CBN News.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sinubukan pa raw niyang habulin din ang salarin na kalauna'y nakilala na si Chao-Tiao Yumol na isa umanong doktor ngunit masyado na raw itong nakalayo.
"Hanggang ngayon hindi ako makakain... Makatulog. Nagsimula kami mag-ano nu'ng Linggo po. Hanggang ngayon, makita mo na para akong ...Talagang walang panlasa sa hirap ng ano ... Nakikita mong bumabagsak sa harapan mo 'yon," dagdag pa nito na tila na-trauma sa mga nasaksihan.
Inalalayan pa umano niya ang amo sa pagbaba nito ng sasakyan at nang bumalik na siya at isinara ang mga pinto ng kotse, doon na niya narinig ang putok.
Dating nagmamaneho ng taxi ang driver bago ito mapunta sa pamilya Furigay. Nilarawan niya ang mga ito na ordinaryong boss na hindi umano nagpaturing bilang isang mayor.
Agad na naaresto ng Quezon City Police District ang suspek sa naganap na shoot-out noong, Hulyo 24 sa Ateneo De Manila University sa Quezon City.
Isa umanong doktor ang suspek na nakilalang si Chiao Tiao Yumol na mula sa Lamitan Basilan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, umamin umano ang suspek na personal ang motibo ng kanyang pamamaril kay dating Lamitan Mayor Rosita "Rose" Furigay na nasampahan umano siya ng 56 counts ng cyberlibel.
Tatlo ang kumpirmadong patay kasama ang target ng suspek na si dating Lamitan Mayor Rose Fumigay, ang executive assistant nitong si Victor Capistrano at ang security guard na rumesponde sa insidente na si Jeneven Bandiala. Sugatan naman anak ng dating alkalde ng Lamitan na si Hannah.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh