Lending agency na umano'y namamahiya ng mga hindi nakakabayad, sinalakay ng PNP

Lending agency na umano'y namamahiya ng mga hindi nakakabayad, sinalakay ng PNP

- Sinalakay ng PNP ang opisina ng inirereklamong lending agency na umano'y nangha-harass ng kanilang mga kliyente

- Kapag hindi nakakabayad ang mga pinautang, kabi-kabilang pananakot at pagbabanta

- Itsurang call center ang naturang opisina kung saan naroon ang mga collection specialist na tumatawag sa mga kliyente

- Ang masaklap umano sa sistema ng mga collection specialist na ito, maging ang mga reference persons ng kliyenteng hindi nakakabayad ay naha-harass na rin nila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinadya na ng Philippine National Police ang Populus Lending Corporation na kabi-kabila ang reklamo ng pamamahiya at pangha-harass sa kanilang kliyente.

Lending agency na umano'y namamahiya ng mga hindi nakakabyad, sinalakay ng PNP
Philippine peso bills (Photo: Getty Images)
Source: Getty Images

Nalaman ng KAMI na itsurang call center ang opisina ng naturang lending agency sa Pasig City kung saan naroon ang nasa 117 na mga collection specialist.

Sila ang mga tumatawag at umano'y nananakot, namamahiya at nangha-harass ng kanilang mga kliyente na hindi makabayad.

Read also

Cristy Fermin, sinabing sina Korina at Noli ang ilan sa mga umano'y nakikipag-usap na sa AMBS

Ang masaklap pa rito, maging ang mga reference persong ng kliyente ay kanila rin umanong hina-harass at nakatatanggap din ng pagbabanta.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa ulat ng ABS-CBN, sinubukan pa nila umanong kausapin ang may-ari ng lending corporation ngunit nabigo silang makunan ito ng pahayag.

Maging ang mga empleyado ay walang nais na magsalita. Makakasuhan sila base sa Date Privacy Act ng 2012.

Matatandaang isinusulong na ni Senator Sherwin Gatchalian ang isang panukalang batas na magpoprotekta sa mga nag-loan na nakakaranas ng panghaharass sa paniningil sa kanila.

Base sa ulat ng ABS-CBN, Senate Bill No. 1336 o ang "Fair Debt Collection Practices Act" ito na may layuning ipagbawal ang pamamahiya at pananakot sa mga umutang na di pa umano agad nakapagbayad.

Matatandaang may ilang mga nag-viral post patungkol sa di umano'y paniningil ng nagpautang sa kanyang pinahiram na di pa naibabalik ang perang inutang nito.

Read also

Angel Locsin at Neil Arce, nagbakasyon sa Madrid kasama ang nanay ni Neil

Ayon sa Pilipino Star, madalas na social media na ang nagiging daan para maningil ng mga nagpautang ngunit sa maling paraan.

Kung hindi kasi larawan at pangalan ang ibinabagi kaya naman labis na kahihiyan ang inaabot ng di makabayad. Sa ilalim din ng panukalang batas na ito, ipagbabawal ang pagsisiwalat ng anumang pribadong impormasyon tungkol sa nangutang nang walang pahintulot sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica