Mayor Vico, sa 'di pagsagot sa tanong ukol sa love life; "Parang nagiging distraction siya"

Mayor Vico, sa 'di pagsagot sa tanong ukol sa love life; "Parang nagiging distraction siya"

- Isa sa mga naitanong ni Ogie Diaz kay Mayo Vico Sotto ay ang tungkol sa kanyang love life

- Subalit, matagal na pala umanong isinasantabi ni Mayor Vico ang pagsagot sa katanungan ukol sa kanyang buhay pag-ibig

- Aniya, ayaw niyang isipin ng mga tao na puro 'pagpapa-cute ang kanyang ginagawa

- Mas gusto niya umanong mapansin ng publiko ang serbisyo sa lungsod na bunga ng kanyang mga sakripisyo at dedikasyon sa kanyang pamumuno

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi na pala umano sumasagot ng mga tanong ukol sa kanyang buhay pag-ibig si Mayor Vico Sotto ng Pasig City.

Mayor Vico, sa 'di pagsagot sa tanong ukol sa love life; "Parang nagiging distraction siya"
Mayor Vico Sotto (Photo from Ogie Diaz YouTube)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI isa kasi ito sa mga tanong kanya ni Ogie Diaz subalit ipinaliwanag ng alkalde kung bakit pinili niyang itikom ang bibig ukol sa ganoong usapin.

"Early 2019, bago ako naging mayor, maraming nagtatanong ng ganyan. Ako siyempre 'pag may nagtanong sa akin, sasagot ako. Ang problema, laging 'yun ang nagiging viral. Kung anong sagot ko, kung magbiro man ako 'dun... Nagtatrabaho tayo dito, may mga project tayo, hindi napapansin. 'Yung napapansin, 'yung mga sagot ko sa ganoong tanong. Siguro mga end of 2019, hindi na ako sasagot ng tanong tungkol sa love life," aniya.

Read also

Mayor Vico, nakatutok sa serbisyo sa Pasig kaysa sa pagbibigay ng apo kina Vic At Coney

"Parang naging distraction siya na ito 'yung napapansin... Baka isipin puro ganoon lang ang ginagawa ko... Hindi naman tayo nandito para magpa-cute, nandito tayo para magtrabaho" dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Ogie Diaz:

Si Mayor Vico Sotto ang kasalukuyang alkalde ng Pasig City na nanunungkulan sa kanyang ikalawang termino. Anak siya ng mga batikang mga artista at host sa bansa na sina Vic Sotto at Coney Reyes.

Pinakakaabangan ng marami ang mga video ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad na nagbibigay inspirasyon sa marami.

Maliban sa mga latest Showbiz Updates, nagbibigay inspirasyon naman ang interviews ni Ogie Diaz sa mga kilalang personalidad lalo na ang mga kwento ng kanilang buhay na talaga namang kapupulutan ng aral. Ilan sa mga nakapanayam niya kamakailan ay ang kilalang half man skateboarder na si Kevin Almazan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel