68-anyos na lolo, limang araw nagbiyahe gamit ang pedicab mula Luneta hanggang Ilocos Norte

68-anyos na lolo, limang araw nagbiyahe gamit ang pedicab mula Luneta hanggang Ilocos Norte

- Hinangaan ang 68-anyos na lolo na nagawang magpadyak mula Luneta hanggang Ilocos Norte

- Nagawa umano niya ito bilang pagbati kay President-elect Bongbong Marcos

- Inabot siya ng limang araw sa pagpadyak kasama ang kanyang bilas

- Marami na rin siyang napuntahang lugar sa bansa dahil lamang sa pagbibisikleta

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami ang bumilib sa 68-anyos na lolo na si Ricardo Limse nang magawang magpadyak ng kanyang pedicab mula Luneta sa Maynila hanggang sa Ilocos Norte.

68-anyos na lolo, limang araw nagbiyahe gamit ang pedicab mula Luneta hanggang Ilocos Norte
Photo: Ricardo Limse
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na kasama ni Tatay Ricardo ang kanyang bilas na si Danny Pilapil na bisikleta naman ang gamit.

Mayo 24 nang magsimulang magbiyahe ang dalawa at inabot ang kanilang paglalakbay sa loob ng limang araw.

Ani Tatay Ricardo sa panayam sa kanya ng GMA Regional TV "Balitang Amianan", alay niya umano ang kanyang paglalakbay sa pagkapanalo ni President-Elect Bongbong Marcos (BBM).

Read also

Jason Hernandez, nag-tweet noong nakaraang linggo tungkol sa hindi pagsuko

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Ang layunin ko una ay batiin si sir BBM sa kaniyang pagkapanalo,"

Hindi ito ang unang pagkakataong nagpadyak si Tatay Ricardo patungo sa iba't ibang mga probinsya sa bansa. Sadyang nakapaglalakbay siya dahil sa mabuting pangangatawan na kaya ang magbisikleta gaano man kalayo.

"At the age of 68, kaya ko pang patunayan sa lahat, sa buong mundo na kung anong kakayahan na mayroon ako," ayon kay Tatay Ricardo na lalong hinangaan ng marami dahil sa inspirasyong hatid ng kanyang pagbibisikleta.

NArito ang kabuuan ng panayam kay Tatay Ricardo:

Kamakailan, labis ding hinangaan ang isang pari na matapos na manalo sa raffle sa isang Supermarket ay naisip nito na ibili ng makakain at iba pang mga pangangailangan ng mga watchers of poor ER patients sa Philippine General Hospital.

Read also

Viral lolo na bumili ng kotse in cash, naikwento ang simpleng buhay mag-isa

Sa naunang ulat ng KAMI, sinabing halagang Php25,000 ang napanalunan ni Fr. Marlito “Lito” Ocon. Ngunit nang malaman ng Marketing Office ng supermarket ang gawain ng pari na pagtulong sa kapwa na labis na nangangailangan, dinagdagan pa nila ito ng Php10,000 upang mas marami itong matulungan at mapasaya.

Gayundin ang isang 80-anyos na lalaking muntik nang hindi papasukin sa showroom ng sasakyan dahil lamang sa simple nitong kasuotan. Kaya naman laking gulat ng mga ahente nang makabili ito ng sasakyan at cash niya itong binayaran.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica