Mag-asawang Maguad, emosyonal sa ibinabang hatol sa akusado sa pagpaslang sa mga anak nila

Mag-asawang Maguad, emosyonal sa ibinabang hatol sa akusado sa pagpaslang sa mga anak nila

- Ibinaba na ang hatol para sa dalawang akusado sa pagpaslang sa magkapatid na Maguad sa M'lang, North Cotabato

- Sa isang video na kuha sa Justice Hall Kabacan kung saan isinagawa ang pagbaba ng hatol, tensiyonado ang naging tagpo matapos komprontahin ng mag-asawa ang magulang ng akusado

- Hindi nila maitago ang kanilang hinagpis sa binabang hatol sa dalawang akusado na nahatulan ng 34 taon

- Matatandaang naganap ang karumal-dumal na pagpaslang sa magkapatid noong Disyembre 10, 2021

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi maitago ng mag-asawang Maguad ang kanilang paghihinagpis matapos ibaba ang hatol sa dalawang akusado sa pagpaslang sa kanilang dalawang anak. Sa isang video na kuha sa ng DXND Kidapawan sa Justice Hall Kabacan kung saan isinagawa ang pagbaba ng hatol, tensiyonado ang naging tagpo matapos komprontahin ng mag-asawa ang magulang ng akusado.

Read also

May-ari ng nag-viral na mga bahay ng Kakampink at BBM supporter, magkamag-anak pala

Mag-asawang Maguad, emosyonal sa ibinabang hatol sa akusado sa pagpaslang sa mga anak nila
Mag-asawang Maguad, emosyonal sa ibinabang hatol sa akusado sa pagpaslang sa mga anak nila (Screenshot from DXND Kidapawan)
Source: Facebook

Emosyonal na naglabas ng sama ng loob ang mag-asawa habang nakikita ang mga akusado. Napahagulgol ang ina ng magkapatid dahil umaasa sila sa maximum justice. Gayunpaman, dahil sa Juvenile Law ay hindi napatawan ng mas mabigat na hatol ang mga akusado.

Kinakagalit din ng mag-asawa na tila walang pagsisi mula sa akusado. Umabot sa limang buwan ang naganap na paglilitis sa kaso na talaga namang tinutukan ng karamihan.

Sa kanilang mga social media account, ay madalas na inihahayag ng mag-asawa ang kanilang saloobin sa gitna ng kanilang pighati at pagnanais na mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng dalawang mga anak nitong mga nakaraang buwan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Tinawag ni Mr. Maguad na halimaw, impakto at hindi tao ang akusado dahil sa kanyang sama ng loob.

Narito ang naging hatol sa mga akusado:

Read also

Kampo ni Andrea Brillantes, umalma sa video clip na ginagamit upang siraan ang aktres

Female Murderer (for Boyboy)

minimum: 10yrs

maximum: 17 yrs

Female Murderer (for Ate Gwynn)

minimum: 8 years

maximum: 14 years

Male Murderer (for Boyboy)

minimum: 12 yrs

maximum: 20 yrs

Male Murderer (for Ate Gwynn)

minimum: 10 yrs

maximum: 17 yrs

Samantala, sa kanyang social media post, sinabi ni Mr. Maguad na hindi sila titigil para makuha nila ang maximum justice para sa kanilang mga anak. Nais niya ring humingi ng tulong kay Sen. Raffy Tulfo.

Ang kaso ng pagpaslang sa magkapatid na Maguad ay lumikha ng malaking ingay lalo at naganap ang pagpaslang sa magkapatid sa mismong bahay nila. Ang lalong naging kahindik-hindik ay nang mapag-alamang mismong ang dalagang kanilang kinupkop at itinuring na kapamilya ang isa sa mga salarin sa pagpaslang.

Samantala, ibinahagi ng ina ng magkapatid ang kanyang hinanakit nang makaharap nila ang mga salarin sa pagpaslang sa kanilang dalawang anak, wala umano silang magawa.

Matatandaang umamin ang mismong dalaga sa kanyang ginawa ilang araw matapos ang pamamaslang sa magkapatid.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate