Ama ng Maguad siblings, labis-labis pa rin ang pangungulila sa mga anak

Ama ng Maguad siblings, labis-labis pa rin ang pangungulila sa mga anak

- Labis-labis pa rin ang pangungulila ng ama ng pinaslang na Maguad siblings noong nakaraang taon

- Aniya, napagtanto niyang hindi ang hustisya at parusa ang kailangan nila kundi ang pagkakataong makasama muli ang mga anak

- Makalipas ang ilang buwan, mararamdaman pa rin ang sakit at hinagpis nilang mag-asawa

- Sa huling update naman ng ina ng magkapatid na Maguad, tila hindi niya umano kinakitaan ng pagsisisi ang mga umano'y salarin ng pagkamatay ng kanyang mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Talagang nangungulila pa rin ang ama ng umano'y pinaslang na Maguad siblings na si Ginoong Cruz Magulang.

Ama ng Maguad siblings, labis na nangungulila sa mga anak
Maguad family (Photo from Cruz Jr. Maguad)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na bumuhos ang mensaheng pampalakas ng loob ni Cruz sa karumaldumal na nangyari sa kanyang mga anak noon.

Ayon sa kanyang Facebook post, tila hindi na umano hustisya at kaparusahan ang kanyang kailangan ngayon kundi ang makasama muli ang mga anak na miss na miss na umano niya.

Read also

Boots Anson Roa, ayaw na umano sa diktadurya; "Ang presidente ko ay si Leni Robredo"

"And I realized...it's not maximum justice for my kids...it's not maximum penalty to the criminals is what I need...but all I need is to be with my kids...I really missed you and love you so much mga anak..."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Disyembre 10 nang matagpuan ng kanilang ama ang magkapatid na Maguad na wala nang buhay sa kanila mismong tahanan.

Sinasabing ang adopted school girl nila ang tanging nakaligtas na nakapagtago umano sa loob ng kwarto nito.

Kalaunan, inamin ng adopted school girl na isa siya sa responsable sa pagpaslang sa magkapatid habang ang isa naman ay nasa kustodiya na rin ng awtoridad at isa pala umanong sakristan.

Matatandaang una nang nanawagan si Gng. Maguad na huwag maliitin ang kakayahan ng mga may edad na 18 pababa na nakagawa umano ng krimen sa kapwa nito kabataan.

Read also

Lyca Gairanod, hindi napigil ang emosyon nang makita ang kalagayan ng ama

Makalipas ang mahigit dalawang buwan mula nang mapaslang ang Maguad siblings, aminadong napakasakit pa rin para sa kanilang ina na si Lovelle Maguad ang nangyari.

Ibinahagi rin ang nasabi umano ng isa sa mga suspek sa pamamaslang sa kanilang mga anak na tila alam umanong hindi siya basta malalagak sa bilangguan.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica