Herbert Bautista, humingi ng dispensa kaugnay sa kanyang viral video

Herbert Bautista, humingi ng dispensa kaugnay sa kanyang viral video

- Sa isang panayam ng SMNI News, nilinaw ni dating Quezon City Mayor Herbert Bautista ang kaugnay sa kanyang viral na video

- Aniya, nakita niya ang paa ng taong umano ay pumatid sa kanya kaya siya agad na nagalit

- Gayunpaman, inihingi niya ng dispensa ang kanyang pinakitang ugali dahil nadala lamang umano siya ng kanyang emosyon

- Matatandaang nag-viral kamakailan ang video niya kung saan nagalit siya matapos umano siyang patirin

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa isang panayam sa SMNI News, nabanggit ni Herbert Bautisa na nakita umano niya ang paa ng taong pumatid sa kanya kaya siya nagalit. Gayunpaman, inihingi niya ng dispensa ang kanyang pinakitang ugali dahil nadala lamang umano siya ng kanyang emosyon.

Herbert Bautista, humingi ng dispensa kaugnay sa kanyang viral video
Herbert “Bistek” Bautista
Source: Instagram

Kwento ni Bautista, hindi umano sila kaagad pinapasok dahil wala umano silang tag. Nung makita umano at nakilala siya, pinapapasok na siya ngunit hinintay nila ang organizer para mabigyan ng tag ang kanyang mga kasamahan.

Read also

Kamag-anak ng 26 sa nasawi sa landslide, hiling na makita ang iba pang nawawalang kamag-anak

Noong papasok na sila, nadapa umano siya at nakita daw niya ang paa ng nagbabantay. Ito ang naging dahilan ng kanyang pagkagalit na humantong sa pang-aawat sa kanya para maiwasan ang gulo.

Kinalaunan naman ay nagkausap umano sila at nagkaayos naman din sila umano ng taong aniya ay pumatid sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang nag-viral kamakailan ang video niya kung saan nagalit siya matapos umano siyang patirin. Makikita sa viral video kung paanong nagalit ang dating Quezon city mayor. Naganap ito sa isang political rally para kay presidential aspirant Bong Bong Marcos.

Isa lamang si Bautista sa mga tumatakbo para sa pagiging senador ngayong halalan 2022.

Si Herbert Bautista o kilala sa bansag na "Bistek," ay isang Filipino actor na naging politiko na nanungkulan bilang mayor ng Quezon City. Nagsimula siya sa pag-arte sa murang edad na 10. Naging bahagi siya ng gag show na Kaluskos Musmos na ipinalabas mula 1970 hanggang kalagitnaan ng 1980s.

Read also

Kampo ni Andrea Brillantes, umalma sa mga fake news na nilalabas ng bashers

Siya ang gumanap bilang Reneboy sa seryeng Flordeluna noong 1978-1984 na pinalabas sa RPN-9.

Matatandaang sa isang rally kamakailan ay sinabihan ni Herbert ang kanyang di na pinangalanang ex na magpagaling.

Naging usap-usapan din ang paghahayag ni Ruffa Gutierrez ng kanyang pagsuporta sa kandidatura ni Herbert.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate