Pinoy crew, pinakita ang pinsala ng barkong “Namura Queen" dahil sa missile

Pinoy crew, pinakita ang pinsala ng barkong “Namura Queen" dahil sa missile

- Hindi maitago ng isang Pinoy crew member ng isang cargo ship ang kanyang pagkabahala matapos ang pagtama ng missile sa kanilang barko

- Ibinahagi nito ang aktwal na video sa naturang cargo ship kung saan makikita ang umuusok na bahagi nito

- Nakaangkla umano ang kanilang barko malapit sa bansang Ukraine kung saan kasalukuyang nagkakagulo dahil sa Russian invasion

- Marami naman ang nagpaabot ng kanilang panalangin para sa kaligtasan ng lahat na lulan ng barko

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi napigilang mataranta ng isang Pinoy crew member ng cargo ship na Namura Queen matapos ang pagtama ng isang missile sa kanilang barko. Nakaangkla umano ang kanilang barko malapit sa bansang Ukraine kung saan kasalukuyang nagkakagulo dahil sa Russian invasion.

Pinoy crew, pinakita ang pinsala ng barkong “Namura Queen" dahil sa missile
Cargo ship Namura Queen, which was hit by rocket off Ukraine, passes through the Bosphorus in Istanbul, Turkiye on February 27, 2022. (Photo by Erhan Elaldi/Anadolu Agency)
Source: Getty Images

Binahagi ng naturang Pinoy crew ang aktwal na video kung saan makikita ang isang bahagi ng barko na umuusok. Ito umano ang tinamaan ng missile.

Read also

Pinay sa Ukraine, ibinahagi ang sitwasyon nila sa pagtatago sa basement

Ayon sa ulat ng Panay News, mayroong 21 na Pinoy crew member ang naroroon sa cargo ship. Ayon pa sa isang ulat ng Japan Times, isang Pinoy crew ang nakatamo ng pinsala sa kanyang balikat ngunit hindi naman umano ito malubha.

Nauna na umanong naglabas ng warning sa mga sasakyang pandagat na umiwas sa Odessa region, southern Ukraine dahil sa kaguluhan ngunit huli na nang malaman ng mga nasa Namura Queen ang naturang babala.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon naman Ukrainian shipping agent na Stark Shipping, kontrolado na ang sitwasyon sa naturang cargo ship.

"The ship flying the flag of Panama was heading to the Pivdennyi port (ex. Yuzhny) to load grain ... There was a fire on the ship, the P&O STAR tug moved to the rescue. The situation is under control."

Read also

Ina ng Maguad siblings, emosyonal nang makita ang mga lumang post ng panganay na anak

Marami naman sa mga Pinoy netizens ang nagpaabot ng kanilang panalangin para sa kaligtasan ng lahat na lulan ng barko.

Matatandaang nabalot ng pangamba ang lahat matapos ang paglabas ng balitang nagsimula na ang paglusob ng Russia sa Ukraine. Matatandaang nitong Huwebes ay nagsimulang nabalot ng tensiyon ang naturang bansa matapos ang pag-atake mula sa Russia.

Marami sa mga Pinoy ang nagtatrabaho sa ibang bansa bilang Overseas Filipino Workers. Kaya naman, may mga Pinoy na apektado ng kasalukuyang kaguluhan sa naturang bansa.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate