Ina ng Maguad siblings, ibinahagi ang nasabi ng suspek; "'Di ba hindi naman ako makukulong"

Ina ng Maguad siblings, ibinahagi ang nasabi ng suspek; "'Di ba hindi naman ako makukulong"

- Muling naglabas ng saloobin ang ina ng napaslang na Maguad siblings na si Lovella Maguad

- Sa kanyang post sa ika-62 araw na wala na ang kanyang mga anak, naibahagi niya ang nasabi ng isa sa mga suspek

- Alam umano nito na hindi siya basta makukulong dahil umano sa kanyang edad

- Doon, hindi napigilang ibulalas ng ginang ang saloobin sa batas na siyang nagpoprekta sa menor de edad kahit gaano pa umano katindi ang kasalanang nagawa nito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Makalipas ang mahigit dalawang buwan mula nang mapaslang ang Maguad siblings, aminadong napakasakit pa rin para sa kanilang ina na si Lovelle Maguad ang nangyari.

Nalaman ng KAMI na sa kanyang Facebook naibulalas ng ginang ang kanyang saloobin at isa na rito ang patungkol sa nasabi umano ng isa sa mga suspek.

Read also

Ina ng Maguad siblings, binati ang anak sa matataas nitong marka

"62nd day of living a desolate life...Just so much pain to bear not even time can heal. Letting go of equally valuable and precious children as life is the most difficult test ever," bungad ng post ni Gng. Maguad.

Ibinahagi rin ang nasabi umano ng isa sa mga suspek sa pamamaslang sa kanilang mga anak na tila alam umanong hindi siya basta malalagak sa bilangguan.

"One perpetrator asked the police few days after she murdered my kids .."di ba hindi ako makulong... Saan niyo ako dadalhin," pagbabahagi ng ginang.

Dahil dito, hindi umano niya maiwasang kuwestyunin ang batas na umano'y sakop ang pagprotekta sa kabataan kahit gaano pa kabigat ang kasalanang nagawa sa pagbabakasakaling mababago pa ang takbo ng buhay ng mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Sa ginawa nila I don't believe mabuhay pa yan sila ng normal, unless they were born evil," pagbubulalas ng ginang ng kanyang saloobin.

Read also

Kryz Uy, humingi ng dispensa sa kanyang nilabas na rant laban sa isang Medtech

"My heart is so heavy... My mind is bursting with these unfair things. My FB wall is just too narrow to accommodate a huge pile of our pains and heartaches"

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Disyembre 10 nang matagpuan ng kanilang ama ang magkapatid na Maguad na wala nang buhay sa kanila mismong tahanan.

Sinasabing ang adopted school girl nila ang tanging nakaligtas na nakapagtago umano sa loob ng kwarto nito.

Kalaunan, inamin ng adopted school girl na isa siya sa responsable sa pagpaslang sa magkapatid habang ang isa naman ay nasa kustodiya na rin ng awtoridad at isa pala umanong sakristan.

Matatandaang una nang nanawagan si Gng. Maguad na huwag maliitin ang kakayahan ng mga may edad na 18 pababa na nakagawa umano ng krimen sa kapwa nito kabataan.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica