Groom na 'di napigil ang pag-iyak sa kanyang wedding vows, kinagiliwan online

Groom na 'di napigil ang pag-iyak sa kanyang wedding vows, kinagiliwan online

- Viral ngayon ang video ng groom na hindi mapigilan ang pagluha habang sinasabi ang kanyang wedding vows

- Halos pag-abot pa lamang sa kanya ng mic ay napatakip na siya ng mata sa pagluha

- Ilang minuto pa bago makapagsalita ang groom habang kalmado at nakangiti naman ang kanyang bride

- Hiling pala ng groom na sa kanyang pagbalik, tatlo na raw sana sila at isa nang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Agaw-eksena sa social media ang video ng isang groom na hindi napigil ang pag-iyak habang sinasabi ang wedding vow niya sa kanyang bride.

Mapapansin na noong inabot pa lamang sa groom ang mikropono para magasalita, napatakip na agad ito ng kanyang mga nata na noon pala'y lumuluha na.

Groom na hindi mapigil ang pag-iyak sa kanyang wedding vows, kinagiliwan ng netizens
Photo from Dan Del
Source: Facebook

Wala halos maintindihan sa mga naunang nasabi ng groom sa kanyang bride na kalmado lang at napapangiti na lamang sa pagluha ng groom.

Read also

73-anyos na call center agent, nagtrabaho para maibsan ang lungkot sa pumanaw na misis

At nang makapagsalita na, hiniling nito na maging tatlo na sila sa kanyang pagbabalik.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Sorry kung lagi kitang naiiwan, mag-iisa ka nalang pag-alis ko. Sana sa pagbalik ko, tatlo na tayo," sabay hawak sa tiyan ng kanyang bride.

Naaliw ang mga netizens sa makulit na video ng groom ngunit hinangaan din nila ito dahil ang pagluha ng groom ay patunay kung gaano katotoo ang kanyang pagmamahal sa kanya na ngayong misis.

Narito ang kabuuan ng video mula kay Dan Del na naibinahagi rin ng Philippine Star:

Kamakailan, agaw-eksena rin sa social media ang video ng isang pari na siyang nagkasal mismo sa kanya raw ex-girlfriend. Nakatutuwang inamin niya ito sa kasal na nilarawan niyang doon lamang siya pinagpawisan nang husto.

Kinagiliwan at hinangaan din ng marami ang isang kasalan na Php3,000 lang ang nagastos ng bride at groom sa kanilang wedding reception na ginanap sa Mang Inasal.

Read also

Buko vendor na nanghiram ng CP para makasali sa 'Pera Usog' ng LOL, nanalo ng kotse

Gayundin ang isang bride na ayaw ng enggrandeng kasalan kaya naman niregaluhan na lamang siya ng kanyang groom ng 6000 sqm na lote.

Sa panahon ng pandemya, ilan lamang sila sa mga hindi nagpatinag sa virus at itinuloy pa rin ang kanilang pag-iisang dibdib. Siniguro lamang nila ang pagsunod sa safety protocols at tamang bilang ng mga panauhin.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel