73-anyos na call center agent, nagtrabaho para maibsan ang lungkot sa pumanaw na misis

73-anyos na call center agent, nagtrabaho para maibsan ang lungkot sa pumanaw na misis

- Marami ang humanga sa viral post kamakailan tungkol sa 73-anyos na lolo na matiyagang pumila sa job fair sa Cebu

- Natanggap naman daw ito bilang isang call center agent at kinagiliwan siya agad ng mga employer niya

- Subalit ang pagtatrabaho niyang muli na ito ay para pala maibsan ang kanyang lungkot sa pagpanaw ng asawa, ilang taon na ang nakalilipas

- Aniya, ang pagiging aktibo pa ng mga kabataan ang makapagbibigay din sa kanya ng siya at lakas upang hindi maramdaman ang pangungulila sa asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Agaw-eksena sa social media kamakailan ang larawan ng 73-anyos na si Rotello Escanilla na dumalo sa isang job fair sa Bogo City sa Cebu.

Nalaman ng KAMI na inakala lang ng mga naroon na may sinasamahan itong apo na naghahanap ng trabaho.

Read also

Groom na 'di napigil ang pag-iyak sa kanyang wedding vows, kinagiliwan online

73-anyos na call center agent, nagtrabaho para maibsan ang lungkot sa pagpanaw ng misis
Rotello Escanilla (Photo from Rodge Tonacao)
Source: Facebook

Subalit napag-alaman ng mga organizers na si Tatay Rotello pala mismo ang nais na maghanapbuhay na muli.

Sa kabila ng kanyang edad, hindi humingi ng special treatment si Tatay Rotello na halos isa sa na sa mga huling na-interview subalit natanggap din sa isang Business Process Outsourcing (BPO) company sa kanilang lugar.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa ulat ng GMA News, napag-alamang dating salesman si Tatay Rotello. 2008 nang siya ay magretiro subalit nakaisip na pumasok muli ng trabaho upang maibsan ang lungkot sa pagpanaw ng kanyang misis noong 2016.

"I go into this venture as a diversion lang para mawala 'yung isip ko, 'yung utak ko from, you know, the loneliness," ani Tatay Rotello.

Iba raw kasi ang saya at lakas ng mga kabataan. At dahil dito, naaaliw siya ay naiibsan ang lungkot sa araw-araw.

Read also

Basel Manadil, sinurpresa ng bagong motor ang driver niyang 2 oras naglalakad papasok sa trabaho

"'Di ba masaya because generally mga kabataan medyo hyped up 'yan eh, mga energized 'yan. Gusto ko 'yung attitude ng mga kabataan na masaya, they're always happy, nakakapag-TikTok 'yan ayos na 'yan."

Kaya naman hiling niya sa ibang mga kompanya na sana'y bigyan pa rin ng pagkakataon na mabigyan ng trabaho ang mga tulad niyang may edad na ngunit may karanasan at kaalaman pa rin na maaring ibahagi.

Nitong pandemya, marami sa ating mga kababayang bata man o may edad na ay sinikap na makahanap ng trabaho para lang makatulong sa kanilang pamilya.

Subalit ang ilan, sa kabila ng pagsusumikap, nakuha pa rin na maloko ng ilan mga mapanlamang nating kababayan. tulad na lamang ng isang egg vendor na lolo na matapos na matiyagang i-deliver ang ilang tray ng itlog kahit na mabagal at nahihirapan na siya, hindi pa siya binayaran ng nag-order.

Mabuti na lamang at may mga nagmalasakit sa kanya sa lugar na siyang namakyaw ng kanyang paninda at may mga indibidwal pang nagpaabot ng tulong gayung mag-isa na lamang pala itong namumuhay.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica