Atty. Guanzon, ikinuwento ang naranasan sa ama kaya galit umano siya sa mga magnanakaw

Atty. Guanzon, ikinuwento ang naranasan sa ama kaya galit umano siya sa mga magnanakaw

- Nakapanayam ni Ogie Diaz si dating COMELEC Commissioner Atty. Rowena Guanzon

- Isa sa mga naikwento ng respetadong abogado ay ang karanasan sa ama na naging matinding dahilan niya kung bakit galit umano siya sa mga magnanakaw

- Naturuan umano sila ng kanyang kapatid noong sila'y bata pa ng kanyang ama na hanggang ngayon ay pinaghuhugutan niya ng rason kung bakit hindi dapat na magnakaw

- Kaya naman, ganoon na lamang ang kanyang galit sa mga taong nagnanakaw umano lalo na iyong na sa gobyerno

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakapanayam ng entertainment host at reporter na si Ogie Diaz si retired COMELEC Commissioner Atty. Rowena Guanzon.

Nalaman ng KAMI na isa sa mga naibahagi ni Atty. Guanzon ay ang hindi niya makakalimutang childhood memory kung saan nadisiplina sila ng ama dahil sa umano'y pagnanakaw.

Read also

Jam Magno sa mga celebrity na umano'y bumabatikos kay Toni G: "Sino ba kayo?"

Atty. Guanzon, ikinuwento ang naranasan sa ama kaya galit umano siya sa mga magnanakaw
Photo: Atty. Rowena Guanzon
Source: Facebook

Kwento niya, ang payroll money na pasweldo sa kanilang mga trabahador sa hacienda ay nasa 'brown bag' lamang noon sa kwarto ng kanyang mga magulang.

"Kumuha ako, e may peryahan. Nakakatuwa, ang saya sabi ko sa brother ko ang puti-puti niya, sama ka lalaro tayo, So nagsugal ako dun," panimula ng kwento ng tanyag at respetadong abogado sa bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"During that time, it was the 1960's fisty pesos was a lot of money, which I did not know. Anyway pag-uwi namin ang dami naming candy, dami naming toys, nalaman ng tita namin, teacher yun so in-interview ako,"
"In-interview yung maliit e hindi marunong mag-lie, so inamin ko. Ay talagang he took out his belt, my father, and said 'I told you never kang magnanakaw!"

Katwiran noon ni Atty. Guanzon, bilang bata, inakala niyang ang anumang pera na nasa loob ng kanilang bahay ay sa kanya rin.

Read also

Ogie D, sinabing hindi buntis si Mika Dela Cruz ayon sa BF nitong si Nash Aguas

Doon ipinaliwanag ng ama na para ito sa mga trabahador at hindi sa kanya. Dahil dito, bilang pagkuha pa rin ng hindi sa kanya ang kanyang nagawa, nadisiplina silang magkapatid ng kanyang ama.

"Alam mo yung belt noong araw? Ang bigat kaya nung buckle na 'yan ah. 3x, ang sakit ah,"

"Sabi ko talaga, 'why are you doing this to me?" sumagot naman daw ang kanyang ama na "So you will learn never to steal money!'

Aminado si Atty. Guanzon na sobra ang takot niya noong araw na iyon kaya naman pumasok ito sa kanyang isip na hindi kailaman dapat magnakaw ang sinoman.

"Yung mga magnanakaw lalo na sa gobyerno, Talagang wala silang karapatan sa gobyerno at magnakaw sila," aniya.

Narito ang kabuuan ng panayam kay Atty. Guanzon mula sa YouTube channel ni Ogie Diaz:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter.

Read also

Sen. Joel Villanueva, naiyak nang inalala ang pumanaw na kapatid na si Mayor Joni

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.

Samantala, si Atty. Rowena Guanzon ay isang abogado, public servant at politician. Siya ang kaka-retire lamang na commissioner ng COMELEC na nag-serbisyo sa nasabing ahensya mula 2015 hanggang 2022.

Bago ang kanyang pagreretiro, naging matunog ang kanyang pangalan kaugnay sa disqualification case ni Presidential aspirant Bongbong Marcos.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica