Video ng pagdagsa ng tulong sa 80-anyos na naaresto sa pagkuha ng mangga, viral na
- Ibinahagi ng Asingan Police Station ang video ng pansamantalang paglaya ni Lolo Narding Floro
- Si Lolo Narding ang 80-anyos na inaresto sa umano'y pangunguha ng manggang siya naman daw ang nagtanim
- Dumagsa ang mga nais na magbigay ng piyansa sa matanda subalit mayroon nang nakapagpiyansa para sa kanya
- Kaya naman ang mga nalikom na tulong na dumagsa para kay Lolo Narding ay magagamit niya sa pang-araw araw lalo na at namumuhay na raw pala itong mag-isa
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Viral na ngayon ang video ng aktwal na pansamantalang paglaya ni Lolo Narding Floro dahil sa umano'y pangunguha ng mangga.
Nalaman ng KAMI na marami ang mga nagtulong-tulong para makapagpiyansa si Lolo Narding matapos na malaman ang sinapit niya.
Ilan sa mga ito ang mga pulis na nagmalasakit kay Lolo Narding habang ito ay nasa police station.
Nilinaw din ng awtoridad na dahil sa Alert level 3, hindi agad naproseso kahapon ang mga papeles ng pansamantalang paglaya ng matanda na agad naman nilang inasikaso ngayong umaga ng Enero 20.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Samantala, sa video na ibinahagi ng Pangppo Pcr Asingan PS, makikita ang dagsa ng tulong para kay Lolo Narding.
Katunayan, maging ang alkalde ng kanilang lugar ay kinumusta ang kalagayan ng lolo na maayos na naalagaan ng mga pulis sa pananatili nito roon.
Napag-alaman ding mag-isa na lamang sa buhay si Lolo Narding na tinutulungan na lamang ng mga kaanak sa pang-araw araw nito.
Kaya naman ang perang nalikom at iba pang mga tulong sa kanya ay malaking bagay sa kanyang pamumuhay.
Narito ang kabuuan ng video na naibahagi rin ng Philippine Star:
Gumulantang sa publiko ang mga larawan ni Lolo Narding na inaresto dahil lamang sa pagkuha ng mga mangga na siya naman 'di umano ang nagtanim.
Nabanggit niyang nais na sana niyang bayaran ang mga nakuha para na lamang makipagkasundo sa nagsasabing 'may-ari' nito ngunit anim na libong piso raw ang hinihingi ng mga ito.
Samantala, parami nang parami ang mga taong nais na magpaabot ng tulong kay Lolo Narding. Ilan sa mga ito ay sina Ryza Cenon, Xian Gaza at ang negosyante at vlogger na kilala sa pagtulong na si Shiwen Lim ng Sabrinacio Clothing and Footwear.
Source: KAMI.com.gh