Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, nagpositibo sa COVID-19

Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, nagpositibo sa COVID-19

- Nagpositibo na rin sa COVID-19 si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz

- Kinumpirma niya ito sa kanyang Instagram stories at ipinakita ang resulta ng isinagawa sa kanyang test

- Pinayuhan niya ang publiko na mag-ingat at sundin ang mga safety protocols

- Si Hidilyn ay isa sa 208, 164 na aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa at pumalo na rin sa mahigit tatlong milyon ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Lumabas na nagpositibo na rin sa COVID-19 ang kauna-unahang Olympic gold medalist sa bansa, si Hidilyn Diaz.

Nalaman ng KAMI na mismong si Hidilyn ang nagkumpirma na tinamaan na rin siya ng virus.

Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, nagpositibo sa COVID-19
Hidilyn Diaz (@hidilyndiaz)
Source: Facebook

Sa kanyang Instagram stories, pinaalalahanan pa niya ang publiko na mag-ingat at magpalakas at makabubuting sumunod sa mga safety protocols.

Isa si Hidilyn sa 208, 164 na aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa na sa pagpasok ng taong 2022 ay biglang bumulusok pataas ang bilang.

Read also

Mayor Isko, sinuspinde ang klase sa buong Maynila mula Enero 14 hanggang 21

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Katunayan, ngayong Ener 12 umabot sa 32,246 ang bilang ng kumpirmadong naitalang may COVID-19 base sa inilabas na datos ng Department of Health.

97.8% ng mga ito ay pawang mild at asymptomatic ang kaso subalit mayroon pa ring naitalang 144 na mga pumanaw. 5,063 naman ang mga naitalang gumaling.

Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, nagpositibo sa COVID-19
Hidilyn Diaz's post (@hidilyndiaz)
Source: Instagram

Si Hidilyn Francisco Diaz ay isang Pinay weightlifter na unang nakasungkit ng gintong medalya para sa bansa sa Olympics. Sumali siya sa 2008 Summer Olympics kung saan siya ang pinakabatang kalahok sa women's 58-kg category. Naging bronze medalist din siya sa 2007 SEA Games sa Thailand at nakuha niya ang 10th place sa 2006 Asian Games sa 53-kilogram category.

Bukod kay Hidilyn, ilan sa mga kilalang personalidad na tinamaan ng COVID-19 kamakailan ay sina Jane Oineza at RK Bagatsing na pawang naka-recover na.

Read also

18 pang mga close contact ni 'Poblacion girl' sa La Union, nagpositibo rin sa COVID-19

Si Iya Villania na kasalukuyan ngayong nagdadalang tao at maging ang kanyang ikalawang anak na si Leon.

Naikwento rin ni Sofia Andres ang lungkot ng Kapaskuhan dahil sa pagkakaroon niya ng COVID-19.

Gayundin ang aktres na si Candy Pangilinan na ikalawang beses nang tamaan ng virus. Sa ikalawang pagkakataong nagpositibo siya sa COVID-19, ngayon lamang siya nakaranas ng sintomas gayung asymptomatic siya noong una.

Kamakailan lamang ay naibahagi niyang maging ang kanyang anak na si Quentin ay lumabas na positibo na rin sa COVID-19.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica