18 pang mga close contact ni 'Poblacion girl' sa La Union, nagpositibo rin sa COVID-19

18 pang mga close contact ni 'Poblacion girl' sa La Union, nagpositibo rin sa COVID-19

- 18 sa 20 na nakasalamuha ni Gwyneth Chua o mas kilala bilang si 'Poblacion Girl' sa isang beach sa La Union ang nagpositibo rin sa COVID-19

- Kinumpirma ito ng alkade ng San Juan, La Union sa inilabas nitong official statement noong Enero 7

- Agad itong sasailalim sa temporary closure sa loob ng 15 na araw mula Enero 8 hanggang Enero 23

- Una nang nai-ulat na lumabag umano sa dapat at quarantine niya si Chua nang dumalo ito sa isang party sa Makati City

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nadagdagan muli ang 'di umano'y mga nahawa ni Gwyneth Chua o mas kilala bilang si 'Poblacion Girl' na nakadalo pa sa isang event sa La Union.

Nalaman ng KAMI na naglabas umano ng opisyal ng pahayag ang alkade ng Urbiztundo, San Juan na si Mayor Arturo Valdriz kaugnay sa insidente kung saan 18 sa 20 na nakasalamuha ni Chua sa Kermit La Union resto-bar and food complex ang nagpositibo rin sa COVID-19.

Read also

Ikalawang quarantine violator na tinaguriang si 'Massage Girl', kakasuhan na rin

18 pang mga close contact ni 'Poblacion girl' sa La Union, nagpositibo rin sa COVID-19
Photo from Wow Ilocos Region
Source: Facebook

Dahil dito, pansamantalang ipinasara agad ni Mayor Valdriz ang nasabing resort at resto-bar mula Enero 8 hanggang Enero 23.

Ito ay upang maglaan ng 15 araw na pagpapatuloy ng contact tracing pa at pag-disinfect sa lugar.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Disyembre 29 nang makadalo pa ito sa event sa La Union at Disyembre 31 naman lumabas ang resultang nagsasabing positibo nga ito sa COVID-19.

"All confirmed cases shall be isolated at any available isolation facility in the town," pahayag pa ng alkalde.

Matatandaang gumawa ng ingay sa social media si Chua matapos nitong aminin na lumabag ito sa quarantine protocols gayung galing umano siya sa Estados Unidos.

Kamakailan ay nagpaunlak ng interview sa media ang isa sa mga nasa party na dinaluhan ni 'Poblacion Girl' sa Makati na si Carlos Laurel.

Read also

Karen Davila at kanyang pamilya, nag-positibo sa COVID-19

Nilinaw nitong hindi talaga invited si Gwyneth at kasama lang daw ito ng kaibigan ng kanyang pinsan.

Gayunpaman, pinag-aaralan at pinag-iisipan daw ng kanilang pamilya kung magsasampa rin sila ng reklamo kay Gwyneth ngunit sa ngayon, prayoridad nila ang paggaling ng mga nagpositibo rin sa COVID-19 na nakasama nila sa nasabing selebrasyon.

Samantala, nasampahan na ng kaukulang kaso ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police si Gwyneth at boyfriend nito. Gayundin ang mga magulang niya at hotel personnel ng lugar kung saan dapat ito'y naka-quarantine at hindi muna nakalabas.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: