Basel Manadil, pinaaga ang Pasko sa pamamahagi ng biyaya sa mga street vendor
- Tila pinaaga ng vlogger na si Basel Manadil ang Pasko dahil sa pamamahagi niya ng mga mga biyaya sa street vendors
- Halos maluha sa saya ang dalawang nabigyan niya ng malaking biyaya habang hindi naman makapaniwala ang iba pa sa biglaan niyang pag-abot na lamang ng pera sa kanila
- Para kay Basel, araw-araw ang Pasko sa kanyang pamimigay ng biyaya sa kanyang mga nadaraanan at nakakasalamuha
- Ginagawa rin daw niya ito kahit na walang camera upang magbigay siya sa ating mga kababayan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Napaaga ang pamimigay ng pamasko ng vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang si "The Hungry Syrian Wanderer para sa mga taong kanyang nabigyan ng tulong.
Nalaman ng KAMI na muling nag-ikot si Basel at namigay ng tulong pinansyal sa ilang masisipag nating mga street vendors.
Unang natulungan niya si Tatay Bong na naglalako ng siomai. Nakita rin ni Basel na dumaan si Tatay Bong sa isang tindahan at naningin ng mga panloob.
Nang lapitan na ito ni Basel, nagkunwari pa itong bibili ng siomai. Tinanong din niya kung magkano lahat ang siomai at kung maaring dollar na lamang ang kanyang ibayad.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Inusisa rin ni Basel kung nakabili nga ba ng panloob si Tatay Bong sa dinaanan nitong tindahan. Hindi raw siya nakabili dahil wala raw siyang pera.
Doon, inabot na ni Basel ang may kalakihang halaga ng pera na halos magpaluha kay tatay Bong habang siya ay nagpapasalamat.
Sumunod namang natulungan ni Basel ang malungkot na 75-anyos na vendor ng mga inumin na si Lolo Roger.
Matumal daw ang benta ni lolo Roger kaya siya ay malungkot subalit napasaya siya ni Basel nang iabot niya ang perang tila maagang pamasko para sa masipag na vendor. Tulad ni Tatay Bong, halos maluha rin sa saya si Lolo Roger na nagpasalat at nagpaalam din sa vlogger.
Matapos ito, nag-abot pa rin si Basel sa iba pang mga vendor na nadaanan at nakasalubong niya. Hindi makapaniwala ang mga ito nang bigla na lamang silang inabutan ng surpresa ni Basel.
Narito ang kabuuan ng kanyang video mula sa The Hungry Syrian Wanderer YouTube channel:
Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa.
Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO Retro Diner.
Kamakailan, nabiyayaan ni Basel ng motorsiklo ang isang delivery rider na napansin niyang bike lamang ang gamit sa pagtatrabaho.
Gayundin ang kanya mismong kasambahay na nagulat nang makitang iPhone 12 pala ang handog sa kanya ni Basel.
Source: KAMI.com.gh