Pacquiao tumanggap ng milyon-milyong kita sa comeback fight sa Las Vegas
- Muling bumalik sa boxing ring si Manny Pacquiao matapos ang apat na taon para hamunin ang WBC welterweight champion na si Mario Barrios
- Nagtapos sa majority draw ang laban na may iskor na 114-114, 114-114 at 115-113 na pabor kay Barrios
- Kahit walang bagong titulo, tinatayang ₱685 milyon ang naiuwi ni Pacman mula sa laban at pay-per-view earnings
- Giit ni Pacquiao, hindi pera ang dahilan ng kaniyang pagbabalik kundi ang pagnanais na mapanatili ang kaniyang reputasyon bilang boxing legend
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Tabla man ang laban, panalo pa rin si "Pambansang Kamao" Manny Pacquiao sa kaniyang pagbabalik sa boxing ring! Matapos ang apat na taong pamamahinga, muling tumapak sa lona ang boxing icon upang subukang agawin ang WBC welterweight title kay Mario Barrios, isang batang boksingerong 16 na taon ang kabataan niya. Ngunit sa kabila ng matinding palitan ng kamao at tibay sa ring, nagtapos ang laban sa isang majority draw—hindi nanalo, pero hindi rin talo.

Source: Instagram
Ginawa sa Las Vegas nitong Linggo, Hulyo 20, 2025 (oras sa Pilipinas), umani ng matinding hiyawan ang laban na tila balik-eksena mula sa “glory days” ng karera ni Pacman. Sa iskor na 114-114, 114-114 at 115-113 (pabor kay Barrios), walang bagong kampyon sa pagtatapos ng 12-round bout. Ngunit sa halip na panghihinayang, umani si Pacquiao ng tagumpay sa ibang paraan—sa anyo ng tumataginting na kita.
Ayon sa mga ulat mula sa Manila Bulletin at iba pang sports news outlet, tinatayang umabot sa $12 million (o halos ₱685 milyon) ang kabuuang kita ni Pacquiao mula sa laban. Bukod pa riyan, may karagdagang $5 hanggang $6 million siyang makukuha mula sa global pay-per-view revenue. Kaya’t kahit hindi niya nadagdag sa koleksyon ang WBC belt, umapaw naman ang kanyang bulsa—at napatunayan pa rin niyang hindi pa laos ang kaniyang pangalan sa mundo ng boxing.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa isang pahayag bago ang laban, inamin ni Pacquiao na ang kanyang pagbabalik ay hindi para habulin ang yaman, kundi para patunayan sa sarili at sa mundo na hindi pa tapos ang kanyang kwento sa boxing. “I’m not fighting for money. I’m here to preserve my reputation and to write another page in history,” ani Pacman—mga salitang umalingawngaw sa puso ng kanyang tagasuporta.
Si Manny Pacquiao ay hindi na bago sa tagumpay—isa siyang 8-division world champion at kilala sa buong mundo bilang isa sa pinakamagaling na boksingero sa kasaysayan. Nitong nakaraang taon lamang, na-induct siya sa International Boxing Hall of Fame, kung saan naging emosyonal siya habang tinanggap ang karangalang ito. Sa isang ulat ng KAMI.com.ph, ibinahagi ng Pambansang Kamao ang kanyang pasasalamat sa lahat ng tumulong sa kanya sa kanyang paglalakbay—mula sa kanyang kabataan hanggang sa pagiging international sports icon.
Samantala, mas naging espesyal din ang pagbabalik-ring ni Pacquiao dahil kumpleto ang kanyang pamilya sa unang pagkakataon sa loob ng apat na taon. Sa isang post ni Jinkee Pacquiao, ibinahagi niyang emosyonal siyang makita ang buong pamilya na magkakasama muli, lalong-lalo na sa isang mahalagang yugto ng buhay ng kanyang asawa. Para kay Jinkee, ito ay isang "answered prayer" at “perfect timing” para sa kanilang pamilya.
Source: KAMI.com.gh