Carlos Yulo, sunod na paghahandaan ang LA 2028 Olympics
- Sinabi ni Carlos Yulo na tuloy apa rin ang pakikilahok niya sa LA 2028 Olympics
- Sa ngayon sinabing tutukan muna niya ang kanyang personal na buhay
- Wala naman siyang ibang hiling kundi ang mabuting kalusugan
- Si Carlos Yulo ang nakasungkit ng ng dalawang gintong medalya sa sa Paris 2024 Olympics
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isa sa mga siniguro ni Carlos Yulo ay ang patuloy pa rin niyang pakikilahok sa Olympics.
Ito ay sa kabila ng pagsungkit na niya ng dalawang gintong medalya sa Paris 2024.
Sa ngayon, pagtutuunan muna umano ni Carlos ang kanyang sarili o personal na buhay upang hindi lamang malusog ang kanyang pangangatawagn kundi pati na rin ang kanyang pag-iisip.
Labis-labis ang paghahanda niya sa Paris Olympics kaya naman nararapat lamanag na makapagpahinga si Carlos ngayong nakamit na niya ang pinapangarap lamang noon na gintong medalya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Samantala, sa naturang panayam sa kanya ni Dyan Catillejo isa -isa rin niyang pinasalamatan ang mga taong sumuporta at gumabay sa kanya sa pagkapanalo nya.
Halos hindi na rin makapaniwala sa nakakalulang mga premyo na naghihintay sa kanya rito bansa.
Narito ang kabuuan ng panayam kay Carlos mula sa ABS-CBN News:
Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas. Siya ay kilala sa kanyang mga kahanga-hangang pagtatanghal sa iba't ibang gymnastics competitions, partikular na sa vault at floor exercises. Si Yulo ay nagsimulang mag-train sa edad na pito at nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral at mag-ensayo sa Japan. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.Ngayong Agosto 4, lalaban muli sa isa pang kategorya si Yulo, kung saan umaasa ang marami na makapag-uuwi muli siya ng isa pang ginto para sa Pilipinas.
Matatandaang isa rin sa ipinagmamalaki ng Pilipinas pagdating sa pampalakasan ay si Hidilyn Diaz. Hindi nito napigilang maging emosyonal matapos niyang maiuwi ang kauna-unahang gold medal ng Pilipinas sa Olympic Games noong 2021. Tinalo ni Hidilyn ang pambato ng China na si Liao Qiuyun na nakakuha ng silver at bronze naman para kay Zulfiya Chinshanlo ng Kazakhstan.
Samantala, gumulantang naman sa publiko ang naging post ng ina ni Carlos, ilang araw bago masungkit ng anak ang gold medal sa Artistic Gumnastics, Men's Floor exercises mula sa Paris Olympic Games 2024.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh