Pambato ng Pinas, nakamit ang gintong medalya sa world championships ng gymnastics
- Nasungkit ni Carlos Edriel Yulo ang pinakaunang ginto ng Pilipinas sa larangan ng gymnastics mula sa World championships
- Bahagi na ng kasaysayan si Yulo dahi dito
- Naungusan niya ang Israel at China na naging mahigpit niyang mga katunggali
- Si Yulo rin ay pambato ng bansa sa 2020 Tokyo Olympics
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isa na namang karangalan ang nakamit ng bansa nang makamit ni Carlos Edriel "Caloy" Yulo ang gintong medalya sa 49th FIG Artistic Gymnastics World Championships. Ito ay ginanap sa Stuttgart, Germany nitong Sabado, Oktubre 12.
Ayon sa Inquirer, nanguna si Yulo sa Men’s Floor event after the apparatus finals kung saan naungusan niya ang mahihigpit na mga katunggali.
Nakamit ng ating 19 taong gulang na pambato ang score na 15.300 points dahilan upang matalo nito ang Israel na may puntos na 15.200 at pambato ng China na nagkamit naman ng 14.933.
PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.
Si Yulo ay isa rin sa delegado ng bansa para sa 2020 Tokyo Olympics.
Sa ulat ng Rappler, nagpakitang gilas na si "Caloy" noong nakaraang taon sa world artistic gymnastics championships sa Doha, Qatar nang makakuha naman siya ng bronze medal
Ngayong taon, parte na ng kasaysayang ng bansa si Yulo bilang kauna-unahang Pinoy na nagkamit ng gintong medalya sa larangan ng gymnastics.
“We are all thrilled with the golden performance of Caloy. The Office of the President and the PSC (Philippine Sports Commission) family congratulates Caloy for this achievement,” ayon kay sa chairman ng Philippine Sports commission na si William Ramirez.
Isa rin si Yulo sa mga napiling flag bearer ng bansa sa darating na 2019 Southeast Asian Games na gaganapin mula December 1 hanggang 9 sa Rizal Memorial Sports Complex.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Narito ang video ng mismong performance ni Yulo sa World championships:
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Milk tea flavors? Try translating it into Filipino words
Tricky Questions: What Is The Tagalog of Winter Melon? | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh