Bongga much! Ang mega-mansion ni NBA legend Michael Jordan
- Isa na ngang tunay na bilyonaryo ang NBA legend na si Michael Jordan
- Ibinebenta niya ang kanyang mega-mansion sa Chicago
- Matapos ang 6 years ay hindi pa rin daw nabibili ito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Kilala nga si Michael Jordan bilang greatest player of all time sa NBA. Naiulat ng KAMI noon na kasama nga sa billionaire’s club ng Forbes ang dating NBA player. Umabot na raw ang net worth ni Jordan ng $1.65 billion.
Marami ngang ari-arian si Jordan. Marami rin siyang pinagkakakitaan matapos magretiro sa basketball at isa na nga rito ang kanyang Jordan na brand.
Nalaman ng KAMI sa Forbes na noong Pebrero 2012 pa lang ay binebenta na ni Jordan ang kanyang mega-mansion sa Chicago sa Highland Park kung saan siya nanirahan sa loob ng 19 na taon. May laki raw itang 56,000 square foot, may 9 na kwarto, 15 na banyo, infinity pool, basketball at tennis court.
Unang presyo na ibinigay daw ni Jordan ay $29 million at ibinaba pa ito ng $21 million noong walang bumili. Isinama na rin daw sa auction ang kanyang mansion pero wala pa ring nakakuha nito. Ayon daw sa source ng Forbes, wala daw nakapantay sa starting price na $13 million. Kasalukuyan naman daw na nagbagsak presyo ito sa $14, 855,000.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Base sa report naman ng Business Insider, hanggang ngayon daw ay wala pa ring nakakabili ng mansion niyang ito.
Ang tanong, bakit nga kaya?
Tignan ang mega-mansion ni Jordan:
Sabi ng Forbes, isa sa mga dahilan kung bakit daw hindi mabili-bili ito ay dahil sa sobrang laking presyo. Masyado daw malaki ito para sa lugar na Highland Park at saka kalimitan daw ng mga mayayaman na celebrities ay hindi doon naghahanap ng bahay katulad sa Beverly Hills. Maaari rin daw isa sa dahilan ang design sapagkat masyadong naging personalized nga raw ito sabi ng Business Insider.
Si Jordan nga ay naging tampok sa pagiging star player ng Chicago Bulls noong 1984 hanggang 1993 at 1995 hanggang 1998. Muli naman siyang tumapak sa court ng NBA muli noong 2001 bilang member ng Washington Wizards at nagretiro no’ng 2003.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Philippines social experiment: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! WHAT is PMS? Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh