Nakakalula sa yaman! Ang net worth at sosyal na buhay ni Lebron James
- Mas lalong yumayaman ang NBA King na si Lebron James ngayon
- Dagdag pa rito ang kanyang paglipat sa Los Angeles Lakers
- Kaya naman nilista ng KAMI ang ilang mga paraan kung paano niya ginagastos ang mga pera nila
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Kamakailan nga lang ay lumipat na ang NBA superstar na si Lebron James sa Los Angeles Lakers at pumirma ito ng $153 million four-year contract. Kaya naman posibleng matupad ang pangarap ni Lebron na maging billionaire.
Sabi niya kasi noon sa GQ, “It’s my biggest milestone. Obviously. I want to maximize my business.”
“And if I happen to get it, if I happen to be a billion-dollar athlete, ho. Hip hip hooray! Oh, my God, I’m gonna be excited,” dagdag pa ng NBA player.
Kapag two years na siya sa Lakers, posibleng humilera na si Lebron kina Kobe Bryant at Kevin Garnett na kumikita ng $300 million sa pagiging basketball player. Maaari ring umabot ng $387 million ito kapag natapos na ang kontrata niya. Ito na siguro ang pinakamalaking kita sa buong history ng NBA.
Umaabot din daw ng $55 million per year ang kita ni Lebron sa mga endorsements. Halos $86 million daw ang kinikita ni Lebron sa loob ng isang taon. Siya na ang pangalawa sa pinakamalaking kita na athlete, sumunod kay football superstar Cristiano Ronaldo.
Pumirma na rin ng lifetime contract noong 2015 si Lebron kasama ang sports brand na Nike. Halos $1 billion raw ang inabot ng endorsement niyang ito.
Gaano na nga kaya kayaman ngayon ang King ng basketball court? Nalaman ng KAMI na as of 2018, umabot na ng $440 million ang net worth niya bilang basketball player.
Mayroong tatlong anak Unkwnsi Lebron kay Savannah James. Ito nga ay sina Zhuri Nova James, Bryce Maximus James at Lebron James Jr.
Ano nga kaya ang ginagawa ni Lebron sa mga milyones niya?
Narito ang ilan sa mga ways kung paano ineenjoy ni Lebron ang marangyang buhay base sa report ng Business Insider:
Business
Co-owner daw ng Unkwn si Lebron. Isang sneaker at clothing brand.
Nag-invest din daw siya sa ng $6.5 million sa Liverpool Football Club (FC).
Mayroon ding media company si Lebron na “Uninterrupted” na nakakuha naman ng $16 million deal mula sa Warner Bros. noong 2015.
Part owner din si Lebron ng office building ni Bill Ackman.
Mansion
Noong 2017 bumili raw ng $23 million worth na mansion sa Los Angeles si Lebron. Mayroon daw itong 10 na kwarto at bar.
Physique
Mahilig din si Lebron alagaan ang katawan niya kaya naman mayroon daw itong gym, ice tub at hot tub sa bahay. Mayroon pa raw siyang biomechanist na dating miyembro ng Navy SEAL saka mayroon din siyang coach, trainer, chef at masahista.
Sports Car
Mayroong matchy Porsche si Lebron at Dwyane Wade.
Nagmamay-ari rin si Lebron ng Rolls-Royce Phantom na may TV pa sa loob
Niregaluhan din ni Lebron ng kotse ang kanyang nanay noon.
Ferrari Testarossa naman ang gift niya sa kanyang asawa.
Kapag nagta-trabaho naman siya, gamit gamit niya ang customized na K9000 ng Kia
Syempre, mayroon ding Ferrari si Lebron
Mayroon ding Dodge Challenge SRT si Lebron.
Nagmamay-ari rin siya ng Maybach 57S.
At mayroon ding 1975 Chevrolet Impala si Lebron.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Foundations/Donations
Ang LeBron James Family Foundation naman ay sinagot ang pag-aaral ng mga 2,300 na bata para mag-college.
Naiulat rin ng KAMI na gbukas rin ng ‘I Promise School’ si Lebron kung saan libre ang tuition, uniforms, pagkain at iba.
Nagdonate rin daw si Lebron sa Muhammad Ali exhibit sa Smithsonian noon
Totoo ngang King na King si Lebron, mapasaloob o labas man ng court!
POPULAR: Read more news about Lebron James here!
Today we are going to ask Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers! What Does Monkey-Eating-Eagle Eat? This questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh