Angelica Yulo, ibinida sina Eldrew at Elaiza bilang bagong ambassadors ng MILO

Angelica Yulo, ibinida sina Eldrew at Elaiza bilang bagong ambassadors ng MILO

- Ibinida ni Angelica Yulo ang kanyang mga anak na sina Eldrew at Elaiza bilang bagong ambassadors ng MILO matapos nilang ipakita ang dedikasyon sa sports at aktibong pamumuhay

- Lumahok si Eldrew Yulo sa 2025 National MILO Marathon Manila Leg sa Mall of Asia, Pasay City, kung saan ipinamalas niya ang kanyang husay at determinasyon sa pagtakbo

- Ipinahayag ni Angelica ang kanyang kasiyahan at pagmamalaki sa kanyang mga anak dahil sa kanilang pagsisikap at pagiging inspirasyon sa iba pang kabataan sa larangan ng sports

- Inaasahang mas maraming kabataan ang mahihikayat sa mundo ng sports dahil sa pagpili kay Eldrew at Elaiza bilang mukha ng MILO na patuloy na nagsusulong ng aktibong pamumuhay

Ipinagmamalaki ni Angelica Yulo ang kanyang mga anak na sina Eldrew at Elaiza bilang bagong ambassadors ng MILO, isa sa tanyag na sports energy drink sa Pilipinas.

Angelica Yulo, ibinida sina Eldrew at Elaiza bilang bagong ambassadors ng MILO
Angelica Yulo, ibinida sina Eldrew at Elaiza bilang bagong ambassadors ng MILO (📷Angelica Poquiz Yulo/Facebook)
Source: Facebook

Sa isang panayam, ibinahagi ni Angelica kung gaano siya kasaya sa tagumpay ng kanyang mga anak, lalo na matapos ipakita ni Eldrew ang kanyang dedikasyon sa sports sa pamamagitan ng pagsali sa 2025 National Milo Marathon Manila Leg na ginanap sa Mall of Asia, Pasay City.

Read also

Rita Avila, rumesbak sa basher na tinawag siyang "matanda"

Isa si Eldrew sa mahigit 15,000 kalahok sa prestihiyosong marathon event noong Linggo. Sa kabila ng kanyang murang edad na 16, ipinakita niya ang kanyang tibay at determinasyon, bagay na nagpahanga sa marami. Dumalo rin si Angelica upang suportahan ang kanyang anak, bagamat hindi na siya lumahok sa takbuhan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Angelica Yulo, ibinida sina Eldrew at Elaiza bilang bagong ambassadors ng MILO
Angelica Yulo, ibinida sina Eldrew at Elaiza bilang bagong ambassadors ng MILO (📷Angelica Poquiz Yulo/Facebook)
Source: Facebook

Ayon kay Eldrew, isa lamang siyang normal na tao at hindi niya inaasahan na magiging tampok siya sa karera. Ikinagulat din niya ang mainit na pagtanggap ng mga tagahanga na nagnanais na makapagpa-selfie sa kanya. Ibinahagi rin niyang gusto niyang subukan ang marathon dahil ito ang kanyang unang pagkakataon sa ganitong kompetisyon.

Bagamat nais sanang lumahok ni Angelica sa takbuhan, nagdesisyon siyang manatili sa gilid upang suportahan si Eldrew. Ayon sa batang atleta, tumakbo siya ng limang kilometro sa loob ng tatlumpung minuto. Aniya, dapat ay sasali rin ang kanyang ina sa tatlong kilometrong kategorya, ngunit hindi na ito nagparehistro kaya't nanood na lamang ito mula sa gilid ng track.

Read also

KaladKaren, nagbahagi ng pictures kasama ang asawa: "Look who followed me in Los Angeles"

Bilang junior Asian champion sa vault, idinagdag ni Eldrew na nais niyang gawing taunang commitment ang pagtakbo sa marathon. Ipinahayag niyang labis niya itong nagustuhan at plano niyang gawin ito taun-taon upang mapanatili ang kanyang pagiging aktibo kahit sa kanyang pagtanda.

Si Angelica Yulo ay ang ina ni Carlos Yulo, isang kilalang gymnast na nagwagi ng mga gintong medalya sa mga internasyonal na kompetisyon, kabilang na ang Tokyo 2020 Olympics at 2024 Olympics. Bukod kay Carlos ay nakikilala rin ang dalawa pa niyang anak na sina Karl Eldrew at Elaiza Yulo sa larangan ng gymnastics.

Ayon sa batikang showbiz insider na si Ogie Diaz, isang pelikula ang nakatakdang ipagawa tungkol sa makulay na buhay ng "Ulirang Ina" awardee na si Angelica Yulo. Ibinunyag ni Ogie ang tungkol sa balitang ito sa kanyang Youtube channel na Ogie Diaz Showbiz Update.

Tila puno ng pagmamalaki si Karl Eldrew Yulo, ang nakababatang kapatid ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, nang ibahagi niya ang pinakamahalagang bagay na libre niyang natanggap mula sa kaniyang mga tagumpay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate