Karl Eldrew Yulo, tinuturing na pinakamagandang regalo ang kanyang pamilya

Karl Eldrew Yulo, tinuturing na pinakamagandang regalo ang kanyang pamilya

- Ibinahagi ni Karl Eldrew Yulo na ang pinakamahalagang bagay na natanggap niya ay ang suporta ng kaniyang pamilya sa lahat ng kaniyang tagumpay at pagsubok

- Matagumpay na nasungkit ni Karl ang apat na gold medals at dalawang silver medals sa 3rd JRC Artistic Gymnastics Stars Championships 2024

- Pangarap din ni Karl na makakuha ng gold medal sa 2028 Los Angeles Olympics tulad ng kaniyang kuya na si Carlos Yulo

- Umiwas si Karl na magkomento tungkol sa isyu ng hidwaan sa pagitan ng kanilang ina na si Angelica Yulo at kuya niyang si Carlos Yulo

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Tila puno ng pagmamalaki si Karl Eldrew Yulo, ang nakababatang kapatid ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, nang ibahagi niya ang pinakamahalagang bagay na libre niyang natanggap mula sa kaniyang mga tagumpay.

Karl Eldrew Yulo, tinuturing na pinakamagandang regalo ang kanyang pamilya
Karl Eldrew Yulo, tinuturing na pinakamagandang regalo ang kanyang pamilya
Source: Youtube

Sa pinakabagong episode ng vlog ni Julius Babao na “Julius Babao UNPLUGGED” noong Martes, Nobyembre 12, 2024, masiglang ibinahagi ni Karl ang ilan sa mga kuwento tungkol sa kaniyang buhay at mga hamon bilang batang gymnast.

Read also

Mensahe ni Ai-Ai kay Gerald: "I wish you all the happiness na hinahanap mo”

Nang tanungin ni Babao kung ano ang pinakamahalagang bagay na kaniyang nabili mula sa kaniyang mga panalo, sinagot ni Karl nang may damdamin na ang pamilya niya ang pinakamahalaga sa lahat.

“Sobrang halaga po ng family ko sa akin. Kasi nandiyan po sila kahit nasa highs, nasa lows po ako. Sinusuportahan nila ako emotionally, financially, kahit ano pa 'yan,” ani Karl.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinahagi rin ni Karl na laging iniisip ng kaniyang pamilya ang kung ano ang makabubuti para sa kaniya sa bawat desisyon.

“Sinusuportahan nila ako, gusto nila kung ano yung mas nakakabuti sa'kin,” dagdag pa niya.

Subalit, naging maingat si Karl sa pagbibigay ng pahayag tungkol sa hidwaan sa pagitan ng kanilang ina na si Angelica Yulo at kapatid na si Carlos Yulo, at piniling umiwas sa mas detalyadong usapan.

Katulad ng kaniyang kuya, pangarap din ni Karl na makakuha ng gold medal sa darating na 2028 Los Angeles Olympics.

Read also

AiAi, emosyonal nang maikwentong sinubukan nilang magkaanak ni Gerald

“Gusto kong magkaroon ng pangalan sa gymnastics, na tumatak sa isipan ng mga bata at maging kilala sa mundo ng gymnastics kahit retired na ako,” ani Karl na puno ng determinasyon.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang masigasig na pag-eensayo ni Karl Eldrew Yulo para sa mga darating na international competitions, dala ang inspirasyon na magbigay ng karangalan hindi lang para sa kaniyang sarili, kundi pati na rin sa pamilya at bayan.

Si Carlos Edriel Poquiz Yulo o mas kilala bilang Caloy, ay isang kinikilalang atleta na nagsimulang sumabak sa gymnastics sa edad na pito at sumali sa pambansang koponan noong 2018.

Ngayong 2024 Paris Olympics, si Yulo rin ang naging unang lalaking atleta at gymnast na mula sa Pilipinas na nag-uwi ng dalawang gintong medalya. Samantala, ibinunyag ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang kanilang samaan ng loob ay dahil sa daw kasintahan ng anak na si Chloe San Jose.

Read also

Alexa Ilacad, pinagsasabihan ang mga fans ni Fyang Smith sa kanyang live

Sa gitna ng mgaakusasyon ay espikulasyon na siya ang ugat ng tensyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya, nanatiling matatag si Chloe San Jose. Sa comment section ng post niya, tinanong pa niya kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humiling siya ng kopya para daw sa kanyang reference.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate