Dr. Richard Mata, kinaaliwan sa hirit niya tungkol sa pagkilala ng MILO kay EJ Obiena

Dr. Richard Mata, kinaaliwan sa hirit niya tungkol sa pagkilala ng MILO kay EJ Obiena

- Kinaaliwan ng mga netizens ang hirit ni Dr. Richard Mata tungkol sa pagkilala ng MILO kay EJ Obiena

- Marami ang nagtaka kung bakit hindi kasama si Carlos Yulo sa mga kinilala ng MILO

- Si Carlos Yulo ay na-feature na noon sa isang MILO advertisement kasama ang kanyang ina

- Biniro ni Dr. Mata na ang MILO ay kinikilala ang mga atleta batay sa bumibili ng produkto, na karamihan ay mga nanay

Kinaaliwan ng mga netizens ang nakakatawang hirit ng doktor na content creator na si Dr. Richard Mata tungkol sa kontrobersiyal na usapin ng pagkilala ng MILO kay EJ Obiena. Sa kabila ng mga tagumpay ni EJ sa larangan ng pole vaulting, marami ang nagtaka kung bakit hindi rin kinilala ng MILO ang isa pang tanyag na atleta, si Carlos Yulo, na isang 2-time Olympic gold medalist.

Read also

Mark Andrew Yulo, ibinida ang kagandahan ng kanyang misis

Dr. Richard Mata, kinaaliwan sa hirit niya tungkol sa pagkilala ng MILO kay EJ Obiena
Dr. Richard Mata, kinaaliwan sa hirit niya tungkol sa pagkilala ng MILO kay EJ Obiena (Sonny Angara, Milo Philippines | Facebook)
Source: Facebook

Sa kasaysayan, si Carlos Yulo ay nauna nang nakasama sa isang MILO advertisement kasama ang kanyang ina na si Angelica Yulo, kaya’t mas lalo pang umingay ang tanong ng mga netizens kung bakit tila hindi siya nasama sa mga bagong pagkilala ng MILO kay Obiena.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang social media post, pabirong sinagot ni Dr. Richard Mata ang tanong ng marami: “Bakit hindi si Carlos Yulo? Netizens, nagtanong sa pagkilala ng MILO kay EJ Obiena. Answer: Dahil alam ng Milo na ang bumibili ng Milo ay mga nanay, hindi mga girlfriends.”

Agad na nag-viral ang post na ito ni Dr. Mata, na kinagiliwan ng mga netizens dahil sa kanyang witty na komento sa isyu. Maraming tumawa at sumang-ayon sa pahayag niya, na nagpasaya sa mga online users sa kabila ng seryosong tono ng diskusyon tungkol sa mga pambansang atleta.

Read also

Ex-PBB housemate na si John Adajar, malaking tulong sa pagkadakip ng snatcher sa San Pablo

Samantala, patuloy pa ring ipinagdiriwang ng mga tagahanga ni EJ Obiena ang kanyang mga tagumpay, habang si Carlos Yulo naman ay nananatiling isa sa mga paboritong atleta ng bansa. Ang nakakatuwang reaksyon ni Dr. Richard Mata ay nagsilbing reminder na kahit sa mga malalim na usapin, may puwang pa rin ang kaunting humor upang mapagaan ang diskusyon.

Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas na nagningning sa mga kumpetisyon sa gymnastics, partikular sa floor exercise at vault. Mula pagkabata, nagsimula na siyang magsanay, at nabigyan siya ng pagkakataong mag-aral at mag-ensayo sa Japan, kung saan lalo pang pinahusay ang kanyang mga kakayahan. Noong 2019, siya ang kauna-unahang Pilipino na nakasungkit ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships.

Ngayong 2024 Paris Olympics, si Yulo rin ang naging unang lalaking atleta at gymnast na mula sa Pilipinas na nag-uwi ng dalawang gintong medalya. Samantala, ibinunyag ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang kanilang samaan ng loob ay dahil sa daw kasintahan ng anak na si Chloe San Jose.

Read also

Iya Villania, may nakakaaliw na post tungkol sa pagbubuntis niya

Sa gitna ng mgaakusasyon ay espikulasyon na siya ang ugat ng tensyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya, nanatiling matatag si Chloe San Jose. Sa comment section ng post niya, tinanong pa niya kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humiling siya ng kopya para daw sa kanyang reference.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate