Angelica Yulo, naging maingat sa sagot sa tanong na may kaugnayan sa anak

Angelica Yulo, naging maingat sa sagot sa tanong na may kaugnayan sa anak

- Sa binahaging reel ni Angelica Yulo kung saan makikita ang masayang pamamasyal nilang magpapamilya, hindi maiwasang may komento pa rin kaugnay sa anak na si Carlos Yulo

- Kabilang sa pinuntahan nila ay ang Venice Grand Canal Mall sa BGC kung saan may isang unit na binigay kay Caloy

- Isang netizen ang nagtanong kung malapit daw ba ang unit nito sa kanilang pinuntahan at baka daw sumilip

- Naging maiksi at maingat ang sagot niya sa komentong ito

Sa gitna ng masayang pagbabahagi ni Angelica Yulo ng kanilang pamamasyal bilang isang pamilya, kapansin-pansin ang pagiging maingat niya sa pagsagot sa isang katanungan mula sa isang netizen na may kaugnayan sa kanyang anak na si Carlos Yulo.

Angelica Yulo, naging maingat sa sagot sa tanong na may kaugnayan sa anak
Angelica Yulo, naging maingat sa sagot sa tanong na may kaugnayan sa anak
Source: Facebook

Ang nasabing reel, na ibinahagi ni Angelica sa kanyang social media account, ay nagpakita ng kanilang pagbisita sa Venice Grand Canal Mall sa BGC, isang lugar na hindi lamang tanyag sa mga turista, kundi may espesyal na kahulugan para sa kanilang pamilya. Dito kasi ibinigay kay Carlos Yulo ang isang condominium unit bilang pagkilala sa kanyang mga tagumpay bilang isang world-class gymnast.

Read also

Angelica Poquiz Yulo, nakatanggap ng suporta mula sa netizens sa kanyang negosyo

Habang nag-uumapaw ang saya at kasiyahan sa mga larawan at video na ibinahagi ni Angelica, isang netizen ang nagtanong kung malapit ba ang nasabing unit ng kanyang anak sa lugar na kanilang binisita.

Angelica Yulo, naging maingat sa sagot sa tanong na may kaugnayan sa anak
Angelica Yulo, naging maingat sa sagot sa tanong na may kaugnayan sa anak
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nagbiro pa ang netizen na baka raw sumilip ito sa kanila. Bagama’t simple at tila casual ang tanong, napansin ng marami ang maingat at piniling sagot ni Angelica. Sa halip na direktang sagutin ang tanong, nagbigay lamang siya ng maiksi at hindi detalyadong tugon, na animo’y may hangarin na mapanatili ang kanilang privacy.

Si Carlos Edriel Yulo ay isang kilalang gymnast mula sa Pilipinas na nagpakitang-gilas sa mga gymnastics competitions, lalo na sa floor exercise at vault. Bata pa lamang si Yulo nang magsimula siyang mag-ensayo, at nagkaroon siya ng pagkakataong mag-aral at magsanay sa Japan, kung saan higit pang nahasa ang kanyang kakayahan. Siya ang unang Pilipino na nagwagi ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.

Read also

Sen. Robin Padilla, nag-komento sa post ni Mariel Padilla na aniya ay 'may consent'

Ngayong 2024 Paris Olympics, si Yulo rin ang naging unang gymnast at lalaking atleta mula sa Pilipinas na nag-uwi ng gintong medalya. Samantala, ibinunyag ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang kanilang alitan dahil sa kasintahan ni Carlos na si Chloe San Jose.

Sa kabila ng mga paratang na siya ang ugat ng tensyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya, nanatiling matatag si Chloe San Jose. Sa comment section ng kanyang post, tinanong pa niya kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humiling ng kopya para sa kanyang reference.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate