Angelica Poquiz Yulo, nakatanggap ng suporta mula sa netizens sa kanyang negosyo

Angelica Poquiz Yulo, nakatanggap ng suporta mula sa netizens sa kanyang negosyo

- Nag-post ang ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ng kanyang tinitinda

- Sa kanyang Facebook post ay nangolekta sya ng order para sa home made garlic longganisa ala Vigan

- Marami naman ang nagpakita ng suporta sa kanya sa pamamagitan ng pag-share sa kanyang post at pag-order

- Matatandaang naging mainit na usapin ang tungkol sa tampuhan nila ng anak niyang si Carlos na kamakailan ay nanalo ng dalawang gold medals sa Olympics

Nagpakita ng suporta ang mga netizens para kay Angelica Poquiz Yulo, ina ng sikat na gymnast na si Carlos Yulo, matapos niyang mag-post sa Facebook tungkol sa kanyang negosyo. Ibinahagi ni Angelica ang kanyang tinitindang home made garlic longganisa ala Vigan, at nangolekta ng mga order mula sa kanyang mga kaibigan at followers.

Angelica Poquiz Yulo, nakatanggap ng suporta mula sa netizens sa kanyang negosyo
Angelica Poquiz Yulo, nakatanggap ng suporta mula sa netizens sa kanyang negosyo
Source: Facebook

Sa kanyang post, hindi lang pagbili ang naging tugon ng mga netizens kundi pati na rin ang pag-share ng kanyang post upang mas marami pa ang makarating sa kanyang alok. Marami ang natuwa at nagpaabot ng suporta kay Angelica, lalo na’t kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang tungkol sa tampuhan nila ng kanyang anak na si Carlos, na kakatapos lamang mag-uwi ng dalawang gold medals mula sa Olympics.

Read also

Cristine Reyes, nagpost matapos mag-deactivate ng IG at maintrigang hiwalay na sila ni Marco Gumabao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Carlos Edriel Yulo ay isang kilalang gymnast mula sa Pilipinas na nagpakitang-gilas sa mga gymnastics competitions, lalo na sa floor exercise at vault. Bata pa lamang si Yulo nang magsimula siyang mag-ensayo, at nagkaroon siya ng pagkakataong mag-aral at magsanay sa Japan, kung saan higit pang nahasa ang kanyang kakayahan. Siya ang unang Pilipino na nagwagi ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.

Ngayong 2024 Paris Olympics, si Yulo rin ang naging unang gymnast at lalaking atleta mula sa Pilipinas na nag-uwi ng gintong medalya. Samantala, ibinunyag ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang kanilang alitan dahil sa kasintahan ni Carlos na si Chloe San Jose.

Sa kabila ng mga paratang na siya ang ugat ng tensyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya, nanatiling matatag si Chloe San Jose. Sa comment section ng kanyang post, tinanong pa niya kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humiling ng kopya para sa kanyang reference.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate