Carlos Yulo, nagpasalamat kay Chloe: "I’m really grateful na di niya ako sinukuan"

Carlos Yulo, nagpasalamat kay Chloe: "I’m really grateful na di niya ako sinukuan"

- Nagpasalamat si Carlos Yulo sa kanyang girlfriend na si Chloe sa suporta sa kanyang mental health bago ang 2024 Paris Olympics

- Nanalo si Yulo ng dalawang gintong medalya, kabilang ang una para sa Pilipinas sa gymnastics

- Pinasalamatan ni Yulo si Chloe sa hindi pagsuko sa kanilang mga pangarap

- Ibinahagi ng magkasintahan ang kanilang sweet moments sa Paris sa social media

Sa gitna ng kanyang matagumpay na paglahok sa 2024 Paris Olympics, nagpasalamat si Carlos Yulo sa kanyang girlfriend na si Chloe, na kanyang itinuring na isa sa mga dahilan kung bakit nanatiling maayos ang kanyang mental health.

Carlos Yulo, nagpasalamat kay Chloe: "I’m really grateful na di niya ako sinukuan"
Carlos Yulo, nagpasalamat kay Chloe: "I’m really grateful na di niya ako sinukuan"
Source: Facebook

Nag-uwi si Yulo ng dalawang gintong medalya mula sa Olympic Games, kabilang na ang kauna-unahang ginto para sa Pilipinas sa larangan ng gymnastics.

“Naalagaan po ‘yung mental health and well-being ko po. Mas nakilala ko po ‘yung sarili ko personally. Through ups and downs po, nandoon po talaga si Chloe,” pahayag ni Yulo sa isang panayam ng 24 Oras ngayong Huwebes.

Read also

Peraphy contestant na si Angelito, naglabas ng sama ng loob sa mga aniya'y taong walang respeto

Dagdag pa niya, “I’m really grateful na di niya ako sinukuan, di siya sumuko sa pangarap naming dalawa. Sobrang thankful po ako sa kanya, sobrang thankful po ako kay God na pinakilala ako sa kanya.”

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kabila ng kontrobersiya ay ibinahagi rin nina Yulo at Chloe ang ilang sweet moments nila sa Paris sa social media nitong Miyerkules.

Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas. Siya ay kilala sa kanyang mga kahanga-hangang pagtatanghal sa iba't ibang gymnastics competitions, partikular na sa floor exercise at vault. Si Yulo ay nagsimulang mag-train sa murang edad at nagkaroon ng pagkakataong mag-aral at magsanay sa Japan, na lalong nagpahusay sa kanyang kasanayan. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.

Read also

Pamilya Yulo, naging emosyonal matapos ang press con ni Angelica Yulo

Naging kauna-unahang gymnast at lalaking atleta mula sa Pilipinas si Carlos Yulo na nanalo ng gintong medalya sa 2024 Paris Olympics. Inihayag ng ina ni Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang alitan nila dahil sa kasintahan ni Caloy na si Chloe San Jose.

Hindi nagpatinag si Chloe San Jose sa kabila ng alegasyon na siya ang dahilan ng tensyon sa pagitan ni Carlos Yulo at ng kanyang pamilya. Sa comment section ng post niya, tinanong ni Chloe kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humingi ng kopya para sa reference.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate