Pamilya Yulo, naging emosyonal matapos ang press con ni Angelica Yulo

Pamilya Yulo, naging emosyonal matapos ang press con ni Angelica Yulo

- Naging emosyonal si Angelica Yulo matapos ang press briefing sa Heroes Hotel sa Maynila

- Humiling siya ng pribadong oras para sa kanilang pamilya upang matugunan ang mga personal na isyu

- Humingi siya ng dispensa sa anak niyang si Carlos Yulo kaugnay ng kanyang mga nasabi sa mga panayam

- Sinabi ni Carlos sa isang video na matagal na niyang napatawad ang kanyang ina at hiling niyang mag-heal at mag-move on na ang kanilang pamilya

Naging emosyonal Si Angelica Yulo, ina ng 2-time gold medalist sa Paris Olympics na si Carlos Yulo habang niyayakap ang kanyang asawa, si Mark Andrew, at ang kanilang anak na si Joriegel, matapos ang isang press briefing sa Heroes Hotel sa Maynila noong Miyerkules.

Pamilya Yulo, naging emosyonal matapos ang press con ni Angelica Yulo
Pamilya Yulo, naging emosyonal matapos ang press con ni Angelica Yulo
Source: Twitter

Humiling ng pribadong oras si Mrs. Yulo para sa kanilang pamilya upang matugunan ang personal na mga isyu sa pagitan niya at ng kanyang anak na si Carlos, na napansin ng publiko matapos manalo ang gymnast ng unang medalya ng bansa sa gymnastics sa Summer Games.

Read also

Carlos Yulo, dinipensahan ang GF: "Si Chloe po may sarili siyang income"

Sa nasabing press briefing, humingi ng dispensa si Mrs. Yulo sa kanyang anak kaugnay sa kanyang mga nasabi sa ilang mga panayam. Mayroon din siyang ipinakitang sulat para sa anak na nagsasaad na matagal na siyang napatawad ni Carlos, ayon sa isang video na inilabas ng gymnast. Hiling ni Carlos na mag-heal ang kanyang ina at makapag move on na ang kanilang pamilya sa mga nangyari.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas. Siya ay kilala sa kanyang mga kahanga-hangang pagtatanghal sa iba't ibang gymnastics competitions, partikular na sa floor exercise at vault. Si Yulo ay nagsimulang mag-train sa murang edad at nagkaroon ng pagkakataong mag-aral at magsanay sa Japan, na lalong nagpahusay sa kanyang kasanayan. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.

Read also

Carlos Yulo, sunod na paghahandaan ang LA 2028 Olympics

Naging kauna-unahang gymnast at lalaking atleta mula sa Pilipinas si Carlos Yulo na nanalo ng gintong medalya sa 2024 Paris Olympics. Inihayag ng ina ni Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang alitan nila dahil sa kasintahan ni Caloy na si Chloe San Jose.

Hindi nagpatinag si Chloe San Jose sa kabila ng alegasyon na siya ang dahilan ng tensyon sa pagitan ni Carlos Yulo at ng kanyang pamilya. Sa comment section ng post niya, tinanong ni Chloe kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humingi ng kopya para sa reference.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate