Nanay ni Carlos Yulo, nagsalita sa pinagmulan nh kanilang samaan ng loob

Nanay ni Carlos Yulo, nagsalita sa pinagmulan nh kanilang samaan ng loob

- Naging kauna-unahang gymnast at lalaking atleta mula sa Pilipinas si Carlos Yulo na nanalo ng gintong medalya sa 2024 Paris Olympics

- Inihayag ng ina ni Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang alitan nila dahil sa kasintahan ni Caloy na si Chloe San Jose

- Pinansin ng mga netizen ang kawalan ng mga post ng pagdiriwang mula kay Angelica at ang mga malabong komento nito

- Sinabi ni Angelica na si Chloe ay sinasadyang ilayo si Caloy sa kanilang pamilya at nagdudulot ng tensyon

Matapos ang tagumpay ni Carlos Yulo, napansin ng mga netizen ang kawalan ng mga post ng pagdiriwang mula sa kanyang ina, Angelica, kasama ng mga malabong komento, na nagpasiklab ng haka-haka tungkol sa hindi pagkakaintindihan nila.

Ang haka-hakang ito ay nakumpirma ni Angelica sa isang eksklusibong panayam sa 102.7 Star FM Manila kaninang umaga.

Read also

Brenda Mage, nagpasalamat matapos magawan ng paraan ang aberya sa airport

Nanay ni Carlos Yulo, nagsalita sa pinagmulan nh kanilang samaan ng loob
Nanay ni Carlos Yulo, nagsalita sa pinagmulan nh kanilang samaan ng loob
Source: Facebook

Sa panayam, isiniwalat ni Angelica na ang pangunahing dahilan ng kanilang pagtatalo ay ang kasintahan ni Caloy na si Chloe San Jose. “Ang naging mitsa, ever since ay yung babae talaga,” ani Angelica, na tinutukoy si Chloe.

Ayon kay Angelica, lalong lumala ang tensyon nang ang kapatid ni Caloy na si Eldrew at ang kanyang kasamahan sa koponan ay dapat na manatili sa dormitoryo ni Caloy sa Japan habang sila'y nagsasanay.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang dormitoryo, na pinondohan ng Philippine Sports Commission, ay ginagamit din ng kasintahan ni Caloy, na ikinadismaya ng mga magulang ni Caloy. Ayon kay Angelica, hindi opisyal na pinahihintulutan si Chloe na manatili sa dormitoryo, na tinawag niyang isang “outsider.”

Ipinahayag pa ni Angelica ang kanyang pag-aalala tungkol sa mga kalagayan ng tirahan, “Sa tingin niyo ba patutulugin ko ‘yung anak ko [Eldrew], menor de edad, kasama siya at ‘yung babae?”

Read also

Carlos Yulo, makatatanggap ng fully-furnished condo unit na may nakakalulang halaga

Dagdag pa ni Angelica, naniniwala ang kanilang pamilya na sinasadya ni Chloe na ilayo si Caloy sa kanila.

“Okay lang, then noong nagkita, feeling ko inilalayo niya [Chloe] sa amin si Caloy,” aniya.

Nilinaw ni Angelica na hindi sila nagnakaw ng kahit ano mula kay Caloy at gumamit lamang sila ng bahagi ng kanyang pera para sa pag-aayos ng kanilang bahay. “Yung hindi aaray yung bulsa niya,” sabi niya.

Binanggit din ni Angelica na dahil sa away nila ng kanyang anak, nagkimkim ng sama ng loob ang mga kapatid ni Caloy laban sa Pinoy Olympian.

Bago ang panayam na ito, naging viral ang ilang mga post at komento ni Angelica, na nagpakita ng hindi pagkakaintindihan nila ni Caloy.

Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas. Siya ay kilala sa kanyang mga kahanga-hangang pagtatanghal sa iba't ibang gymnastics competitions, partikular na sa floor exercise at vault. Si Yulo ay nagsimulang mag-train sa murang edad at nagkaroon ng pagkakataong mag-aral at magsanay sa Japan, na lalong nagpahusay sa kanyang kasanayan. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019

Read also

Umano'y post ng ina ni Carlos Yulo, nag-viral online

Matatandaang hindi napigilang maging emosyonal ng pambato ng Pilipinas sa weightlifting na si Hidilyn Diaz. Ito ay matapos niyang maiuwi ang kauna-unahang gold medal ng Pilipinas sa Olympic Games noong 2021. Tinalo ni Hidilyn ang pambato ng China na si Liao Qiuyun na nakakuha ng silver at bronze naman para kay Zulfiya Chinshanlo ng Kazakhstan.

Wagi naman si Hidilyn sa 2022 World Weightlifting Championships sa Bogota, Columbia. Lahat ng tatlong gintong medalya sa women’s 55kg ay nasungkit ni Hidilyn.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate