Denver Nuggets, napanalunan ang kanilang unang NBA championship

Denver Nuggets, napanalunan ang kanilang unang NBA championship

- Nakuha na ng Denver Nuggets ang kanilang unang NBA championship

- Natalo nila ang Miami Heat sa score na 94-89 sa Ball Arena sa Game 5 ng NBA Finals

- Si Nikola Jokic ng Denver ang itinanghal na Finals MVP

- Ang average ni Jokic sa NBA Finals ay 30.2 points per game, 14 rebounds per game at 7.2 assists per game

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napanalunan ng Denver Nuggets ang kanilang kauna-unahang NBA championship nang talunin nila ang Miami Heat sa score na 94-89 sa Ball Arena. Nasungkit ng Denver ang pang-apat na panalo nila sa Game 5 ng NBA Finals habang naka isang panalo lamang ang Miami sa kanilang series.

Nikola Jokic
Nikola Jokic (NBA)
Source: Instagram

Itinanghal naman na Finals MVP si Nikola Jokic ng Denver at mayroon siyang 28 points, 16 rebounds, at 4 assists sa nasabing Game 5. Dikit ang laro ng dalawang kupunan sa 4th quarter ng Game 5 ngunit sa huli ay nakalamang pa rin ang Denver. Naging emosyonal ang buong kupunan nang manalo sila ng championship.

Read also

Jose, Wally at Paolo sa pagkalas ng TVJ sa TAPE: "Puzzled syempre, gulong-gulo"

Sa buong NBA Finals, ang average ni Jokic ay 30.2 points per game, 14 rebounds per game at 7.2 assists per game.

Mayroon ng dalawang regular season MVPs si Jokic at ngayo’y mayroon na siyang isang championship at isang Finals MVP.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Narito ang ilang highlights mula sa Game 5 championship victory ng Denver Nuggets:

Si Nikola Jokic ay kilala bilang isa sa mga pinaka magaling na basketball players sa buong mundo. Naglalaro siya bilang center sa Denver Nuggets ng NBA.

Sa nakaraang report, nag-viral ang isang Filipino artist na gumawa ng malupet na charcoal painting ng greatest NBA star of all-time na si Michael Jordan. Maaari raw pumalo ng 40 million pesos ang artwork na ito ni Christian Talampas.

Nag-trending din ang photo ng Filipina host na si Gretchen Ho kasama ang Golden State Warriors superstar na si Steph Curry. Nag-react si Gretchen matapos siyang akusahan na “groupie” ng nasabing player. Sinabi ni Gretchen: “Geez. When you take fan photos with NBA players, why do people immediately assume something happened. I have gotten this so many times. Pwede ba.”

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Daniel Joseph Navalta avatar

Daniel Joseph Navalta