NBA Finals 2022: Golden State Warriors, bumawi sa Boston Celtics sa Game 2

NBA Finals 2022: Golden State Warriors, bumawi sa Boston Celtics sa Game 2

- Rumesbak ang Golden State Warriors sa Game 2 ng NBA Finals 2022 laban sa Boston Celtics

- Tabla na sa 1-1 ang best of seven finals series sa pagitan ng Warriors at Celtics

- Nagtala si Steph Curry ng 29 points, 6 rebounds, 4 assists, at 3 steals para sa Golden State

- Si Jayson Tatum naman ang nanguna sa Celtics with 28 points at 6 rebounds

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bumawi ang Golden State Warriors sa Game 2 ng NBA Finals 2022 laban sa Boston Celtics. Sa homecourt ng Warriors sa San Francisco ginanap ang nasabing laro.

Tinambakan ng 19 points ng Warriors ang Celtics sa final score na 107-88 kaya 1-1 na ang kanilang standings sa best of seven series.

Si Steph Curry ang muling nanguna sa Golden State with 29 points, 6 rebounds, 4 assists, at 3 steals.

Read also

NBA Finals Game 1: Boston Celtics, dinaig ang Golden State Warriors

NBA Finals 2022: Golden State Warriors, bumawi sa Boston Celtics sa Game 2
Steph Curry and Gretchen Ho (Gretchen Ho)
Source: Instagram

Para naman sa natalong Celtics, nanguna si Jayson Tatum with 28 points at 6 rebounds, habang si Jaylen Brown naman ay nagbigay ng 17 points para sa kanyang kupunan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Al Horford, na nanguna sa Celtics noong Game 1, ay 2 points lamang ang nagawa sa Game 2.

Inilabas din ng NBA sa official YouTube channel nito ang pinaka exciting na highlights mula sa Game 2 ng NBA Finals 2022 sa pagitan ng Golden State Warriors at Boston Celtics:

Tangi sa NBA Finals 2022 sa pagitan ng Golden State Warriors at Boston Celtics, may iba pang mga exciting reports ang KAMI ukol sa pinaka prestigious na basketball league sa buong mundo.

Kamakailan lang ay nag-viral ang isang Filipino artist na gumawa ng malupet na charcoal painting ng greatest NBA star of all-time na si Michael Jordan. Maaari raw pumalo ng 40 million pesos ang artwork na ito ni Christian Talampas.

Read also

Lolit Solis, sinabing lagi raw nag-aaway si Jeric Gonzales at Rabiya Mateo

Nag-trending din ang photo ng Filipina host na si Gretchen Ho kasama ang Golden State Warriors superstar na si Steph Curry. Nag-react si Gretchen matapos siyang akusahan na “groupie” ng nasabing player. Sinabi ni Gretchen: “Geez. When you take fan photos with NBA players, why do people immediately assume something happened. I have gotten this so many times. Pwede ba.”

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Daniel Joseph Navalta avatar

Daniel Joseph Navalta