Hidilyn Diaz, natanggap na ang ₱10 million na incentive mula sa MVPSF

Hidilyn Diaz, natanggap na ang ₱10 million na incentive mula sa MVPSF

- Unti-unti nang nakukuha ni Hidilyn Diaz ang mga pledge sa pagkapanalo niya ng gintong medalya sa Olympics

- Una na rito ang ₱10 million na incentive mula sa MVP Sports Foundation

- Noong Biyernes, Hulyo 30 ay nai-deposito na umano ang malaking halaga ng pera sa bank account Hidilyn

- Sa zoom call, taos-pusong nagpasalamat si Hidilyn kina Manny V. Pangilinan, Al Panlilio, at Victorico Vargas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Natanggap na umano ng Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz ang isa sa malalaking cash incentive na nailahad na kanyang makukuha.

Nalaman ng KAMI na una nang natanggap ni Hidilyn ang ₱10 million incentive na mula sa MVP Sports Foundation.

Ayon sa Spin.PH, naideposito na umano ang nasabing halaga ng pera nitong Biyernes, Huyo 30 sa bank account ni Hidilyn.

Read also

Hidilyn Diaz, todo ang suporta kay Eumir Marcial; "Go for gold!"

Hidilyn Diaz, natanggap na ang ₱10 million na incentive mula sa MVPSF
Photo credit: Hidilyn Diaz
Source: Facebook

Sa isang zoom call, taos pusong nakapagpasalamat si Hidilyn sa mga bumubuo ng MVP Sports Foundation na todo ang suporta sa kanya bago pa man ang komepetisyon ayon sa Manila Bulletin.

"Thank you so much Sir MVP (Manny V. Pangilinan), sir Al (Panlilio) and sir VPV (Victorico Vargas)."

"Thank you sa support na binigay nio sa Team HD and sa akin at sa pagtitiwalang binigay ninyo," emosyonal na pahayag ni Hidilyn.

"Malaking bagay po ito sa amin. Lalo na last year na shaky yung life. Ang daming pangyayari dahil sa COVID, 'di niyo kami iniwan," dagdag pa niya.

Aminado naman si MVPSF president Al Panlilio na maging sila ay emosyonal habang pinanonood ang winning moment ni Hidilyn sa Olympics.

"Umiyak kaming lahat nung nabuhat mo yung 127 kilograms," ayon kay Panlilio.

Sa huling tala ng Bandera, sinabing umabot na sa nasa Php50 million ang cash incentive na makukuha ni Hidilyn. Bukod pa ito sa mga sasakyan, bahay at lupa, condo unit at iba pang mga regalong makukuha niya dahil sa pagbibigay karangalan sa bansa.

Read also

Hidilyn Diaz, nagpa-tattoo ng 'Olympic Rings' sa kanyang braso

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Hidilyn Francisco Diaz ay isang Pinay weightlifter. Sumali siya sa 2008 Summer Olympics kung saan siya ang pinakabatang kalahok sa women's 58-kg category. Naging bronze medalist din siya sa 2007 SEA Games sa Thailand at nakuha niya ang 10th place sa 2006 Asian Games sa 53-kilogram category.

Bukod sa gold medal na nakuha niya sa women's 55 kilogram category sa Tokyo 2020 Olympics, matatandaang naiuwi din ni Hidilyn ang tatlong gintong medalya sa 2020 Weightlifting World Cup.

Sa dami ng mga naipangakong regalo kay Hidilyn sa pagsungkit ng gintong medalya sa olympics, hangad naman ng 1996 Summer Olympics silver medalist na si Onyok Velasco na matanggap ni Hidilyn ang lahat ng dapat nitong matanggap.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica