Bong Revilla, kusang sumuko sa CIDG matapos maglabas ng arrest warrant ang Sandiganbayan

Bong Revilla, kusang sumuko sa CIDG matapos maglabas ng arrest warrant ang Sandiganbayan

  • Sumuko si dating Senador Bong Revilla Jr. sa CIDG sa Camp Crame nitong gabi ng Enero 20, matapos maglabas ng warrant of arrest at Hold Departure Order ang Sandiganbayan
  • Ang pag-aresto ay kaugnay ng kasong malversation na nag-uugat sa umano’y ₱92.8 milyong "ghost flood control project" sa Pandi, Bulacan
  • Bukod sa senador, nahaharap din sa kaso ang ilang dating opisyal ng DPWH Bulacan na sina assistant district engineer Brice Hernandez at Jaypee Mendoza
  • Iginiit ng senador na wala umanong "due process" ang paglabas ng warrant, ngunit handa niyang harapin ang mga paratang at nakiusap ng dasal para sa kanyang pamilya

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Bong Revilla
Bong Revilla, kusang sumuko sa CIDG matapos maglabas ng arrest warrant ang Sandiganbayan
Source: Facebook

Kusang sumuko ang dating senador at aktor na si Ramon “Bong” Revilla Jr. sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP) matapos maglabas ng warrant of arrest at hold departure order (HDO) ang Sandiganbayan Third Division kaugnay ng umano’y ₱92.8 milyong ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.

Read also

Ina ni Candy Pangilinan, makakauwi na matapos ang 9 na araw nito sa ospital

Ayon sa ulat ni Rod Vega ng Super Radyo dzBB, dumating si Revilla sa Camp Crame, Quezon City bandang 9:58 ng gabi nitong Lunes, Enero 20.

Nauna nang inilabas ng anti-graft court ang warrant of arrest laban sa kanya at sa ilang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa kasong malversation na may kaugnayan sa nasabing proyekto.

Bukod kay Revilla, kabilang sa mga respondent sa kaso ang mga dating opisyal ng DPWH Bulacan First District Engineering Office, gaya nina assistant district engineer Brice Hernandez, mga engineer na Jaypee Mendoza, Arjay Domasig, at Emelita Juat, finance section chief Juanito Mendoza, at cashier na si Christina Pineda.

Read also

Mariel Padilla, may nakaka-touch na mensahe para sa kaarawan ni Alex Gonzaga

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nitong Lunes ng gabi rin, isinilbi ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga warrant of arrest laban kina Hernandez at Mendoza sa Senado, kung saan sila nakadetine mula pa noong nakaraang taon matapos ma-contempt. Inaresto ang dalawa habang dumadalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Sen. Ping Lacson.

Kinumpirma naman ni PNP acting chief Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. ang kusang pagsuko ni Revilla. Sa isang pahayag na inilabas dakong hatinggabi, sinabi ng PNP na agad na inatasan ang CIDG na ipatupad ang warrant of arrest.

Read also

Ruffa Gutierrez, nagpasalamat sa tagumpay ng operasyon ng amang si Eddie Gutierrez

Isinailalim ang senador sa standard booking at documentation procedures habang nasa kustodiya ng CIDG, kabilang ang kinakailangang medical examination alinsunod sa umiiral na mga patakaran.

Humiling din ang dating senador ng dasal para sa kanya at sa kanyang pamilya habang hinaharap niya ang kasong isinampa laban sa kanya.

Panuorin ang ulat na ito sa 'SAKSI' upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa ulat na ito.

In a previous report by KAMI, the Bureau of Customs (BOC) will investigate around 40 luxury cars linked to Sarah Discaya’s family. The move came after a viral interview where Discaya showed their collection of high-end cars. BOC will check the consignee of the vehicles to see if there were violations in their importation Discaya has also been connected to contractors of flood control projects now under Senate investigation.

Additionally, Korina Sanchez-Roxas recently posted on her Instagram account. There, she posed in front of a beautiful palace while she was in Disneyland. However, she also made fun of it in relation to the recent issue involving her. She wrote in the first part of her post, "My P10 Million Palace," which was somehow related to the allegations thrown against her by Mayor Vico Sotto.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)