Ombudsman Boying Remulla, ibinalik ang full access sa SALN ng mga opisyal ng gobyerno

Ombudsman Boying Remulla, ibinalik ang full access sa SALN ng mga opisyal ng gobyerno

  • Itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos si dating Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla bilang bagong Ombudsman
  • Isa si Remulla sa pitong aplikanteng napasama sa shortlist ng Judiciary and Bar Council
  • Agad niyang ipinahayag na ibabalik niya ang public access sa SALNs ng mga opisyal ng gobyerno
  • Sa inilabas na memo ng kanyang tanggapan, hindi na kailangan ng consent ng opisyal para makita ang SALN

Sa gitna ng mainit na usapin sa transparency at accountability sa pamahalaan, agad na gumawa ng hakbang ang bagong talagang Ombudsman na si Jesus Crispin “Boying” Remulla.

Ombudsman Boying Remulla, ibinalik ang full access sa SALN ng mga opisyal ng gobyerno
Ombudsman Boying Remulla, ibinalik ang full access sa SALN ng mga opisyal ng gobyerno (📷Boying Remulla/Facebook)
Source: Facebook

atapos ang kanyang panunumpa bilang pinuno ng Office of the Ombudsman, inihayag niya ang pagbabalik ng public access sa Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng mga opisyal ng gobyerno—isang hakbang na itinuturing ng marami bilang malaking tagumpay para sa transparency.

Ayon sa ulat ng PhilStar, inilabas kamakailan ng kanyang tanggapan ang isang memorandum na nagbabaligtad sa 2020 circular na ipinatupad ng dating Ombudsman na si Samuel Martires. Sa ilalim ng lumang patakaran, kinakailangan ng pahintulot mula sa opisyal bago mabuksan ang kanilang SALN—isang tuntuning binatikos noon dahil sa umano’y pagsasara ng impormasyon na dapat ay bukas sa publiko.

Read also

LTO, sinuspinde ang lisensya ng driver na pinayagang magmaneho ang anak

Ngayon, ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, simple na lang ang proseso.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“The public has a legitimate right to know how those in government acquire and manage their wealth. Transparency in this area is not a slogan,” ani Clavano.

Ipinaliwanag pa ni Clavano na ID na lamang ang kailangan ng sinumang gustong humiling ng kopya ng SALN, bilang patunay ng kanilang pagkakakilanlan. Hindi na umano kailangan ng anumang pirma o pahintulot mula sa opisyal na may-ari ng SALN. Kabilang sa mga dokumentong ito ang SALN ng pangulo, bise presidente, mga lokal na opisyal, at mga miyembro ng Constitutional Commissions.

Sino si Boying Remulla?

Si Jesus Crispin “Boying” Remulla ay kilalang politiko at abogado mula Cavite. Bago ang kanyang pagkakatalaga bilang Ombudsman, nagsilbi siyang Kalihim ng Katarungan (DOJ Secretary) sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr. Kabilang sa kanyang mga naunang tungkulin ay ang pagiging kinatawan ng ika-7 distrito ng Cavite at gobernador ng lalawigan.

Read also

Fetus natagpuan sa loob ng kahon ng sapatos sa tambak ng basura sa Quezon City

Kilala si Remulla sa pagiging prangka at mabilis kumilos sa mga isyung may kinalaman sa hustisya at katiwalian. Sa kanyang unang hakbang bilang Ombudsman, malinaw ang mensahe: “Walang itatago, lahat dapat masilip.”
Kamakailan lamang, itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si dating Justice Secretary Jesus Crispin Remulla bilang bagong Ombudsman. Isa siya sa pitong pangalan na kasama sa shortlist ng Judiciary and Bar Council (JBC). Pinalitan niya si dating Ombudsman Samuel Martires na nagretiro nitong Hulyo. Ayon sa Malacañang, tiwala ang Pangulo sa kakayahan ni Remulla na palakasin ang kampanya laban sa katiwalian sa gobyerno.
Samantala, umani rin ng reaksyon ang pagkakatalaga ni Remulla matapos tanungin ni Senadora Imee Marcos ang kanyang kapatid na si Pangulong Marcos Jr. kung bakit siya ang napili bilang Ombudsman. Ayon kay Imee, bagaman may tiwala siya sa kakayahan ng dating DOJ Secretary, umaasa siyang mapapanatili pa rin ang independence ng Office of the Ombudsman sa kabila ng pagkakalapit nito sa administrasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate