Kiko Barzaga, nag-trending sa vlog matapos ibunyag ang impeachment complaint

Kiko Barzaga, nag-trending sa vlog matapos ibunyag ang impeachment complaint

  • Rep. Kiko Barzaga, naghain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
  • Sa 37 segundong vlog, ipinakita niya ang loob ng Batasan at tinawag itong “crocodile farm”
  • Sinabi niyang absent umano ang mga “buwaya” habang ipinakita ang mga bakanteng upuan
  • Ipinakita rin niya ang dokumento ng impeachment complaint na nakasaad ay dahil sa betrayal of public trust at culpable violation of the Constitution

Isang mainit na eksena ang naganap sa loob ng Batasang Pambansa nitong Miyerkules, Oktubre 8, matapos ibahagi ni Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga ang mga dokumento ng kanyang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kiko Barzaga, nag-trending sa vlog matapos ibunyag ang impeachment complaint
Kiko Barzaga, nag-trending sa vlog matapos ibunyag ang impeachment complaint (📷Congressman Kiko Barzaga/Facebook)
Source: Facebook

Sa isang 37-segundong vlog na agad kumalat online, makikita si Barzaga habang naglalakad sa loob ng House of Representatives, ipinapakita ang paligid ng plenaryo at sabay sabing, “Welcome to the crocodile farm.”

Habang nakatutok ang camera sa mga bakanteng upuan, pabirong saad pa ng kongresista, “Absent ulit ang mga buwaya, nagbakasyon na hehehe.”

Read also

Tax evasion, ikinaso ng BIR sa mag-asawang Discaya; hindi binayarang buwis, umabot sa mahigit ₱7B

Matapos ang ilang sandali, ibinida ni Barzaga ang kanyang “sorpresa” sa mga manonood — ang dokumentong pinamagatang “Marcos impeachment complaint.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon sa kanya, ang complaint ay inihain “under the grounds of betrayal of public trust and culpable violation of the Constitution.” Dagdag pa ni Barzaga, “And hopefully, Congress will remove him soon, so we can start investigating those in the flood control anomalies, hehehe, bye bye Marcos!”

Ang naturang vlog ay agad na umani ng atensyon mula sa mga netizens at kapwa mambabatas. Ilan sa mga nakapanood ay nagsabing matapang ang hakbang ng Caviteño solon, habang ang iba naman ay nagbigay-komento sa kanyang “crocodile farm” remark.

Matatandaang si Barzaga ay isa sa mga kritiko ni Leyte 1st District Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez, na kilalang pinsan ni Pangulong Marcos Jr. Ang kanilang tensyon ay dati nang laman ng mga usaping pampulitika, at lalong tumindi matapos ang ilang isyu sa liderato ng Kamara.

Read also

Cayetano, handang magbitiw bilang senador kung susundan siya ng iba

Sa ngayon, wala pang opisyal na tugon o pahayag mula sa Palasyo hinggil sa ipinahayag na impeachment complaint ni Barzaga. Ayon sa mga tagasubaybay, inaasahan ang mas malinaw na detalye sa mga susunod na araw kung ito ay tatanggapin o ibabasura ng Kamara.

Si Kiko Barzaga ay anak ng mag-asawang Cong. Francis “B.A.” Barzaga Jr. at Dasmariñas Mayor Jenny Barzaga, parehong kilalang political figures sa Cavite. Sa murang edad, ipinakita na ni Kiko ang interes sa politika at lokal na pamahalaan. Kilala rin siya sa pagiging outspoken at sa madalas niyang mga viral statements sa social media na pumupukaw ng atensyon ng publiko.

Bago ang impeachment filing, madalas ding mapabalita si Barzaga sa mga humorous o kontrobersyal na eksena sa Kamara, na madalas ay nagiging laman ng social media at mga news site.

Sa isang viral campaign event, pinigilan ni Kiko Barzaga ang kanyang ama habang ineendorso si VP Leni Robredo at sa halip ay sumayaw at hayagang inendorso si Bongbong Marcos. Ang eksenang iyon ay agad kumalat online at naging patok sa mga netizens dahil sa nakakatawang twist sa gitna ng seryosong okasyon.

Read also

Arron Villaflor, nag-sorry matapos batikusin sa “Pray for Cebu” post

Kamakailan, nag-trending din si Cong. Francis Barzaga matapos umanong harangin sa opisina ni Speaker Martin Romualdez. Sa halip na umalis, naupo siya sa monobloc chair sa hallway, bagay na nagdulot ng intriga at mga spekulasyon sa lumalalim na tensyon sa pagitan ng mga Caviteño lawmakers at ng liderato ng Kamara.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate