Lino Cayetano kumontra sa panawagan ng kapatid na senador: “Let’s not normalize corruption”

Lino Cayetano kumontra sa panawagan ng kapatid na senador: “Let’s not normalize corruption”

  • Tumutol si dating Taguig mayor Lino Cayetano sa naging pahayag ng kapatid niyang si Sen. Alan Peter Cayetano tungkol sa “repentance” laban sa katiwalian
  • Ayon kay Lino, ang ganitong uri ng pahayag mula sa mga tradisyonal na politiko ay lalo lamang nagpapagalit sa kabataan
  • Iginiit niyang hindi likas sa ordinaryong Pilipino ang magnakaw, bumili ng boto, o magsinungaling, at hindi sapat ang simpleng pag-amin o pagsisisi para maputol ang kultura ng korapsyon
  • Nanawagan siya ng bagong hanay ng liderato na may kasamang tunay na reporma, pagbabalik ng ninakaw na pera, at paghahanda sa susunod na henerasyon ng pinuno

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Matapang na umalma si dating Taguig mayor Lino Cayetano laban sa naging pahayag ng kanyang kapatid na si Senador Alan Peter Cayetano hinggil sa “repentance and national renewal” bilang tugon sa patuloy na problema ng korapsyon sa bansa.

Lino Cayetano kumontra sa panawagan ng kapatid na senador: “Let’s not normalize corruption”
Lino Cayetano kumontra sa panawagan ng kapatid na senador: “Let’s not normalize corruption” (📷 Lino Cayetano, Alan Peter Cayetano/Facebook)
Source: Facebook

Sa isang mahabang pahayag, tinutulan ni Lino ang pananaw ng senador at iginiit na ang ganitong linya ng pag-iisip mula sa mga tradisyunal na politiko ay hindi katanggap-tanggap para sa karamihan ng mamamayan.

Read also

Alan Peter Cayetano, nanawagan ng “repentance at national renewal” laban sa korapsyon

“Hindi po ako agree dito. These are the kinds of statements from traditional politicians that spark anger. Kaya nag rerebolusyon ang GenZ at Millennials around the world. This is NOT OK,” ani Lino.

Binanggit ng dating alkalde na sa kabila ng pagkakaroon ng ilang tiwaling politiko at pribadong indibidwal na nakiki-kuntsaba, ang mas nakararaming Pilipino ay tapat, maka-Diyos, at nagnanais lamang ng maayos at tahimik na buhay. Para kay Lino, hindi solusyon ang simpleng paghingi ng tawad o repentance.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Hindi likas ang magnakaw, bumili ng boto, magsinungaling, at hindi din solusyon at absolusyon ang pag ‘repent’ lamang,” dagdag pa niya.

Ipinunto rin ni Lino ang pangangailangan ng konkretong hakbang, kabilang ang pagbabalik ng pera ng taumbayan at ang pagtataguyod ng reporma. Ayon sa kanya, kinakailangang magkaroon ng bagong hanay ng liderato na tunay na magsusulong ng tama at makatarungang pamamahala.

“We need the old guard to resign. We need a new set of leaders to emerge in this country. For those who will ‘repent’, we need confessions and reform… hindi lang kaso — isoli ang pera ng tao, ituloy ang reporma at tumulong ihanda ang susunod na set of leaders,” ani Lino.

Read also

Vice Ganda, umapela ng “tax holiday” dahil sa malawakang korapsyon

Sa kanyang pahayag, binigyang-diin din niya ang karaniwang pangarap ng bawat pamilyang Pilipino — ang makauwi ng maaga mula sa trabaho, hindi mabiktima ng krimen, maisustento ang pag-aaral ng mga anak, at magkaroon ng disenteng kabuhayan.

“Let’s not normalize corruption. Let’s fight it!” buod ni Lino sa kanyang panawagan.

Si Lino Cayetano ay nakababatang kapatid nina Sen. Alan Peter Cayetano at dating Sen. Pia Cayetano. Bago naging alkalde ng Taguig mula 2019 hanggang 2022, nakilala siya bilang isang direktor at producer sa telebisyon at pelikula. Sa pulitika, ipinakita niya ang interes sa mga reporma sa lokal na pamahalaan at proyekto para sa komunidad.

Samantala, si Sen. Alan Peter Cayetano ay nanawagan kamakailan ng “repentance and national renewal” bilang mahalagang hakbang para masugpo ang korapsyon, bagay na nagdulot ng iba’t ibang reaksiyon, kabilang ang pagtutol mula sa mismong kapatid.

Sa kanyang Facebook live, sinabi ni Sen. Alan Cayetano na bukod sa mga imbestigasyon sa anomalya gaya ng “ghost projects,” mahalaga ring kilalanin ang mas malalim na problemang moral at espiritwal sa bansa. Nanawagan siya sa mga lider na magpakumbaba at magsakripisyo para sa ikabubuti ng nakararami.

Read also

Doctor-content creator, may makabuluhan na pahayag tungkol sa kahulugan ng "failure"

Kaugnay ng posibleng kasong kinahaharap ng dating pangulo sa International Criminal Court, iminungkahi ni Cayetano na mas mainam na isailalim ito sa house arrest sa Philippine Embassy sa Hague. Para sa senador, ito ay paraan para igalang ang proseso ng batas habang pinoprotektahan ang kaligtasan ng dating pinuno.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate