Sen. Kiko Pangilinan, kinuwestiyon ang sworn statement ng Discaya couple
- Si Kiko Pangilinan ay nagdulot ng matinding buzz sa social media dahil sa kanyang post
- Kamakailan ay kinuwestiyon kasi niya ang 'sworn statement' nina Curlee at Sarah Discaya
- Sa X, ni-repost ni Kiko ang 'sworn statement' ng Discaya couple at nagbigay ng opinyon dito
- Aniya Kiko, "2016 pa sila sa flood control projects pero mula lang 2022 ang mga pinangalanan"
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Si Kiko Pangilinan, isang senador at kilalang personalidad sa politika, ay nagdulot ng mainit na usapan online matapos niyang kwestyunin ang inilabas na "sworn statement" nina Curlee at Sarah Discaya, bagay na mabilis ding nag-viral sa iba't ibang online at social media platforms.
Sa kanyang opisyal na account sa X (dating Twitter), ibinahagi ng kilalang senador ang kanyang tapat na saloobin ukol sa dokumento, at binanggit kung ano ang sa tingin niya ay hindi tugma.

Source: Facebook
"2016 pa sila sa flood control projects pero mula lang 2022 ang mga pinangalanan," panimula ni Pangilinan. Dagdag pa ng senador, hindi dapat palampasin ang anumang pagtatakip o pagbabaluktot ng katotohanan, lalo na kung may kinalaman ito sa integridad ng mga pahayag.
"Hindi maaring 'edited o photoshopped' ang inyong sworn statement. Hindi pwede ang cover up. Dapat ay the WHOLE truth. Hindi pwede sa witness protection ang cover up," giit niya pa sa X.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa pagtatapos ng kanyang viral post, mariin pang sinabi ni Pangilinan: "Ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw," na pumukaw sa atensyon ng marami niyang followers sa kilalang site.
Batay sa pinakahuling datos, umabot na sa mahigit 210,000 views, 9,100 likes, at 3,100 reposts ang naturang post ng senador sa X. Maraming netizens din ang nag-iwan ng kani-kanilang reaksyon, ang iba'y sumang-ayon sa kanyang paninindigan habang ang ilan naman ay nagpahayag ng kani-kanilang interpretasyon tungkol sa isyu, lalo na nga sa 'sworn statement' ng Discaya couple.
Si Francis 'Kiko' Pangilinan ay isang kilalang politiko sa Pilipinas. Siya ay naging tanyag dahil sa kanyang adbokasiya para sa reporma sa agrikultura, kabataan, at hustisya. Isa sa kanyang mga pangunahing kontribusyon ay ang pagiging principal author ng Juvenile Justice and Welfare Act, na naglalayong bigyan ng proteksyon at pagkakataon ang mga kabataang nasasangkot sa batas. Kilala rin siya sa pagsusulong ng mga programang makakatulong sa mga magsasaka at mangingisda upang mapaunlad ang agrikultura sa bansa. Bukod sa kanyang karera sa politika, mas kilala rin si Kiko sa publiko bilang asawa ng batikang aktres at TV host na si Sharon Cuneta.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay inanunsyo ng asawa ni Kiko Pangilinan na si Sharon Cuneta na siya ay magpapahinga mula sa social media at pagfo-phone, at makikipag-ugnayan lamang sa pamilya. Ibinahagi ng Megastar na ang kanyang "mind and emotions are gonna take a vacation from everything extra." Inamin din niya noon na minsan siyang naging "somebody I didn't like at all" dahil sa social media.
Samantalang noong Mayo, hindi nakadalo si Kiko Pangilinan sa proklamasyon ng Senado dahil dumalo siya sa graduation ng kanyang anak na si Frankie sa Estados Unidos. Ni-represent siya ng kanyang kapatid na si Maricel Pangilinan Arenas, na naghatid ng emosyonal na mensahe mula kay Kiko na inialay ang kanyang tagumpay sa mga magsasaka, manggagawa, solo parents, at mga pamilyang nahihirapan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh